Chapter 5

3.4K 116 5
                                    

"At least i got you in my head"
•••
Paano ko kaya sasabihin sakanya? Dapat yung bongga para memorable.

Gumawa nalang kaya ako ng letter na mahaba? Nakakatamad yun. Ewan ko nga kung babasahin niya yun eh.

Kung magbigay nalang kaya ako ng singsing at may i love you na nakasulat? Mukha naman akong magpopropose! Di ko nga maamin na gusto ko siya, papakasalan ko agad.

Bumaba ako sa baba at hinanap si papa, nakita ko siyang naglilinis ng kotse at tumakbo ako papunta sakanya."

"Pa! Send help! Ano kayang magandang gawin para sabihin ko kay Stal na gusto ko siya?" Tanong ko.

"Alam mo anak, magpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo sakanya, ayos na yun. Dalhin mo lang sarili mo sa harap niya kasi sa pag-amin mo dun mo lang naman masasabi sakanya na gusto mo siya. Depende pa yan kung mamahalin ka niya pabalik. Pero pag naging kayo, tsaka mo iparamdam araw araw na mahal mo siya, kahit kayo na ligawan mo parin. Kasi mas maganda kung araw araw mong ipapaalala na mahal mo siya kesa sa isang araw lang na pag-amin."

Napaisip ako at nasabi kong tama nga si papa
Wow. Isa sa pinakamagandang sinabi ni papa na narinig ko. Idol ko na to si papa bukod sa sarili ko, siya na ang idol ko.

"Sige pa, salamat! Idol na kita pero ngayon lang yan."  Sabi ko at natawa.

"Sige, basta sabihin mo sakanya, wala kang mapapala kung puro ka hiya." Sabi niya.

Awts.

"Para akong sinampal dun pa ah, sige na ako na po torpe!" Sabi ko at tumakbo papasok ng bahay. Habang papasok ako narinig kong tunatawa si papa.

Kailangan ko pa ng isang motivation at inspirasyon para umamin!!

Kinuha ko ang cellphone ko at nag openg sa messenger.

A: Vincent mamen!

V: wazzup aahley mamen!

A: May sasabihin akong napakahalagang sobrang halaga.

V: ano?

A: Sasabihin ko na kay Stal kaso hindi ko alam kung paano. Send help not nudes.

V: aba'y buti naman at napag-isip isip mo ng sabihin. bukas sa recess mag-usap tayo. kailangan nating planuhin tong mission impossible na ito.

A: Sige salamat!

V: ge.

Ni-lock ko na ang cellphone ko at humiga na sa kama. Bahala na Stal, sana tanggapin mo pero tanggap ko parin naman kung hindi. Sanay naman akong nag-aadjust.

Sa pag-iisip ko ng mga bagay na hindi naman mangyayari gaya ng pagiging totoo ng mga pokemon at pag abduct sakin ng pinuno ng mga unicorn at dalhin ako sa mundi nila ay bigla akong nakatulog.

-------

"Gising na Ashley, malelate ka na." Gising sa akin ni mama.

Bumangon na ako dahil sa totoo lang maganda ang panaginip ko.

Napanaginipan ko magkasama raw kami ni Kendall Jenner ugh babe.

"Eto na po!" Sabi ko at tumalon sa kama para tumayo.

Dumiretso na ako sa cr at pakanta-kanta pa ako.

"Aybilib i can fly!! Aybilib i can tats the sky!!" Kanta ko.

"Tama yan kumanta ka lang para suspended!" Sigaw ni kuya.

"Che! Umalis ka sa kwarto ko!" Sabi ko at narinig kong tumawa siya.

Still Falling (gxg) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon