Chapter 12

3K 80 6
                                    

"I'll be here patiently waiting"

•••

Yung gusto ko sanang mag adjust muna. Yung wala muna siya. Pero paano ko magagawa yun kung tuwing papasok ako sa ng gate ng room nandun siya? Parang sinasadya talaga ng tadhana ng pagkitain kami ni Stal eh.

Dear tadhana,

Bakit lagi mo kaming pinagtatagpo eh hindi naman kami tinadhana?

"Ashley! Sabay na tayo paakyat." Sabi niya at ngumiti.

Paano ako makakatanggi sa ngiti niyang yun?

"Sige." Sabi ko.

"Ashley!!" Narinig kong may tumawag sa likod ko.

"Sabi na ikaw yan eh, nandito palang ako tapos nandun ka naamoy ko na kabahuan mo eh." Sabi ko kay Andrea.

"Ang kapal ng mukha mo. Yung unan ko yung mabaho hindi ako. Mas mabaho nga unan at kumot mo eh." Sabi ni Andrea.

"Kaya pala ang sarap ng tulog mo." Sabi ko natawa.

"Natulog siya sainyo?" Tanong ni Stal. Nandito papala siya akala ko nauna na.

"Oo nung friday." Sabi ko.

Ngumisi lang sa akin si Andrea. Mukhang may plano to ah.

"Ang sarap nga matulog sa kama niya eh, kaamoy niya yung mga kumot at unan." Sabi ni Andrea.

WTF
Where's.The.Fish.

Napalunok ako ng sinabi niya yun.

"Oo nga eh..." mahinang sabi ni Stal.

Minsan talaga natutulog siya sa bahay pero ganun pa rin ako talaga laging nasa sahig natutulog. Mga nakikitulog nalang ako pa naistorbo eh noh. Dejk.

"Oh pano na, mamaya nalang ulit recess. Bye!" Sabi ni Andrea at bumulong sakin. "Magpathank you ka sakin mamaya, ilibre mo ko."

Natawa lang ako sakanya.

"Kayo na ba ni Andrea?" Tanong ni Stal

"Nope." Popping the "p"

"Ohhhh. Bat parang kayo na? Close pa kayo." Sabi niya.

Binuksan ko na ang pinto para sakanya para pumasok sa room.

"Close lang hindi kami." Sabi ko at umupo na.

Tumango lang siya. Sakto naman ang dating namin at dumating na ang teacher namin.

--------

"Sasabay ka ba ngayong recess?" Tanong ko kay Stal.

"Hindi. May kailangan akong gawin." Sabi niya.

"Sige mauna na ako." Sabi ko at nauna ng bumaba.

Bigla ko siyang namiss. Eto ang ayoko sa sarili ko eh, onting oras ko palang siya hindi makasama namimiss ko na agad siya. Ganyan na ba kalakas epekto niya sakin?

"Uy Ash!" Tawag ni Vincent sa akin.

"Uy." Matamlay kong sagot.

"Bat mukha kang naluge?" Tanong niya.

"Naluge sa pag-ibig." Sabi ko at natawa kaning dalawa.

"Sabi ko naman sayo eh, sabihin mo na." Sabi niya.

"Dapat nga sasabihin ko na! Eh bigla naman niyang sinabi na sila na ulit ni Angelo. Ang lupet noh?" Sabi ki at pekeng tumawa.

Napabuntong hininga lang si Vincent at tinapik tapik ang likod ko.

Still Falling (gxg) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon