"Ikaw ba yan bes" di makapaniwalang banggit ni Via. nakatakip pa ang kamay nya sa bunganga nya tapos with matching laki pa ng mata. Tsk!
"Oo ako to, anong akala mo sakin multo" napairap na lang ako ng wala sa oras.
"Di nga. di nga kita nakilala eh. Ang ganda mo ngayon"
"Ngayon lang ba ako maganda. Grabe ka sakin. Tara na nga" pagtataray ko at hinila ko na sya papunta sa kotse na pagsasakyan namin.
Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa isang hotel. Hindi sya ordinaryong hotel kundi isang mamahaling hotel. Mga mayayaman at sikat na personalidad pa siguro ang nagi-stay dito.
"Pwede isara ang bunganga" nagulat ako ng magsalita itong katabi ko. Napahawak naman ako sa bibig ko. Oo nga.
"Baba na" tsaka na nya ako tinulak.
Tinulak talaga ako. Huhuhu.Ng makababa sya ng sasakyan....
"Let's go" sabi nya.
Mga 5 minutes lang ang nilakad namin para makarating kami sa venue. May mga nakakasabay kaming papunta sa venue. mahahalata mong mga mayayaman sila. Kita na rin sa suot nilang gown at suit. dagdag pa ang mga suot nilang alahas.
Dadaan ka pa sa red carpet. Halos lahat ng dadaan sa red carpet ay titigan ka nila. Napatingin naman ako sa suot namin ni Via. Naka black off-shoulder dress sya na above the knee. Ako naman ay naka red tube dress na hanggang sakong ang haba pero may split sa gilid na nakapag gagalaw ka at maglalakad ay makikita na ang legs mo.
Meron namang bumati saming magasawa na kakilala naman ni Via. Dahil kilala nila ang daddy ni Via.
Hanggang sa makarating kami sa isang table. At doon kami umupo. Iginala ko naman ang mga mata ko. Meron stage sa gitna at maraming balloons din ang nakakalat at nakadesign. Siguro birthday ito.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Via at patakbong lumapit sa lalaking papunta sa direksyon namin. Ng makalapit si Via sa kanya. Agad silang nagyakapan ng mahigpit. Boyfriend kaya nya yun. Hmm. Nakita ko naman na may kasama yung lalaki na kayakapan ngayon ng bestfriend ko. Naiiritang nakatingin sa dalawa. Nagulat naman ako ng tumingin ito sa gawi ko.
-Vince P.O.V-
Nandito ako ngayon sa venue kung saan gaganapin ang birthday celebration ng friend ni Dad. Di sana ako pupunta because I have so many things to do. Many papers to sign. But if di ako pupunta. Papagalitan ako ni Mom. Tsk.
"Hey bro" nagulat ako ng may biglang tumapik sakin. Inis ko itong nilingon at ang gago tumawa lang.
"Ang lalim ng iniisip mo. Haha I know what you are thinking. Ayaw mo talagang pumunta sa birthday party noh hahaha. Takot ka lang kasi kay tita" nakakainis na sabi nya at tumawa ng malakas.
Tinignan ko lang ito ng masama. Pinagtitripan na naman ako ng gago.
He raised his two hands sign that he surrendered. Tsk.
"So bro joke lang naman eh" sabi nya sabay peace sign.
Makalipas ang ilang minuto. Dumadami na ang mga tao dito sa loob ng venue. Pansin kong palingon lingon siya sa paligid.
"Sinong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.
"Si Via" sagot nya. yung girlfriend lng pala nyang makulit.
Nakita ko namang may patakbong babai na nakablack dress. At nakangiting wagas naman itong pinsan ko. Ng makalapit na yung ay babai ay tsaka ko lang ito napansin. Tsk. madagdagan na naman ang mangungulit ngayong gabi sakin. Yinakap naman nya ito ng mahigpit. Naiirita ko naman silang tinignan. Napadako naman ang tingin ko sa upuan kong saan nanggaling si Via. May babaing nakaupo dun na nakared dress. Maganda sya tsaka maputi. Tumingin din ito sakin na ikinabigla ko. Siguro napansin nyang may nakatingin sa kanya.
Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya. At tumikhim.
"Magyayakapan na lang ba kayong dalawa" masungit na sabi ko.
Mabilis naman silang naghiwalay sa pagyayakapan.
"Namiss ko lang naman si Eros eh. Ang kj mo talaga Sungit Vince. Sabagay wala naman girlfriend kaya kj" mataray na sabi nitong Via sakin. Tsaka sya umirap.
Siningkitan ko sya ng mata.
"Oh stop it. Magbabangayan na naman kayong dalawa eh" pagawat samin ni Eros.
"Hmp" at agad naman nagwalk out si Via.
Pumunta sya gawing lamesa na kinauupuan ng babaeng tinitignan ko kanina.
****
Hays it's been a month ng last update ko dito....sensya na po mga beloved readers ko. Sana magustuhan nyo ang UD ko ngayon.
bhieRubie, Claw_Marks, HamitafAli,
😘😘😘😘😘😘
BINABASA MO ANG
WANTED PERFECT girl for boss sungit (ONGOING)
Fanfiction"mahal na mahal kita, pero kung siya pa rin ang mahal mo handa kitang pakawalan kahit mahirap handa kong tiisin basta makita lang kitang masaya, pero sa pagdating ng panahon na maramdaman mong mahal mo parin ako, chase me back" Vince Andrei Maniego...