Chapter 9

44 2 0
                                    


--- KINABUKASAN ---

- Patricia's P.O.V -

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Anong oras na kaya?
Agad kong kinapa ang phone ko sa ilalim ng unan. At halos mapatalon ako ng malaman ko ang oras.

Alas otso na! Kaya agad akong bumangon at kinuha ang bag ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Naku! Lagot ako kay Sir Vince nito.

Speaking of Sir Vince. Nasaan kayo yun?

Eksaktong papalapit naman na sakin si Eros.

"Magandang umaga. Nasaan pala si Sir Vince?" tanong ko ng makalapit na sya sakin.

Nagtaka naman ako ng nakatitig lang sya sakin. May dumi ba ko sa mukha. Shocks! Di pa pala ako naghihilamos. nakakahiya!

Agad naman akong tumalikod sa kanya. At nagtanggal ng muta at laway kung sakaling meron.
Ng masigurado kong okay na. Humarap na ako sa kanya.

"Okay na. hahaha" sabi ko at sinamahan ko pa ng tawa.

Ngumiti naman sya.

"Nauna na syang umuwi. So I am the one to bring you back to Manila"  sabi nya. Napatango na lang ako.

"Let's go" dagdag nya pa at nauna ng maglakad. Sinabayan ko na rin syang maglakad.

Fast Forward>>>>

"Salamat sa paghatid Eros" pagpapasalamat ko sa kanya ng makababa ako ng kotse nya.

"It's okay" nakangiting aniya.

Instart na nya ang makina.

"Ingat sa pagdrive. Don't worry I'll text Via later" ako.

Nagliwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko.

"Thanks" Eros

Tsaka nya pinaharurot ang sasakyan. Pagkaalis ni Eros pumasok na rin ako sa loob ng bahay namen.

Agad kong hinalungkat sa bag ko ang susi ng bahay namen. May duplicate kase ako. In case na magovertime ako sa work or malate ako ng uwe.

Pagkabukas ko ng pinto....

"Ma. Nandito na po ako" tawag ko kay mama.

Binaba ko ang bag ko sa sofa at nagalis ng sapatos.

Nagpunta ako ng kusina baka sakaling nandun si Mama. Pero wala. Nasaan kaya yun? Ah baka na sa kwarto nya. Kaya agad akong nagtungo sa kwarto nya.  Pero wala din. Kaya sunod kong pinuntahan ang kwarto ko. Pero wala din. Nasaan kaya si Mama?.

Napatingin ako sa main door ng magbukas ito. At iniluwa nun si mama na may bitbit na grocery bag.

"Ma" tawag ko sa kanya.

Napalingon naman sya sakin.

"Oh anak. Nakauwi ka na pala" sabi nya.

Mabilis naman akong lumapit sa kanya at tinulungan sya sa dala nya.

"Ma. nagtext naman po ako sayo diba?" sabi ko tsaka yumakap sa kanya.

Tinap naman nya ang ulo ko tsaka ngumiti.

"Papasok ka pa rin ba ngayon sa trabaho anak?" tanong nya.

"Opo ma" sagot ko.

"O sya sige. Maligo ka na at akoy magluluto na" aniya.

tumango ako at umakyat na papuntang kwarto ko para makaligo na.

After 30 minutes tapos na rin akong maligo. Paglabas ko ng banyo ng kwarto ko. Eksakto namang tumunog ang phone ko.

WANTED PERFECT girl for boss sungit                    (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon