Chapter 11

29 1 0
                                    

- Patricia's P.O.V -

Hanggang sa pagtulog ba naman di ko parin makalimutan ang nangyari kanina sa restaurant. Kung paano tumawa at ngumiti si Sir Vince. Kanina ko lang sya nakausap ng ganun. At hanggang ngayon abnormal pa rin ang tibok ng puso ko. Kailangan ko na sigurong magpatingin sa doktor. Baka may sakit na pala ako sa puso, mahirap na. Pero parang nahahalata kong sa tuwing kausap o tignan man ako si Sir Vince, bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang may naghahabulang mga daga. Tignan lang nya ako ng diretso sa mga mata. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Parang nahi-hypnotize ka. O kahit kunot noo syang tumingin saken parang nakakadagdag appeal pa sa kanya.

Kahit anong gawin kong posisyon ng pagtulog, wala pa rin. Di pa rin ako makatulog. Pero kailangan kong matulog. Kaya tumagilid ako ng higa at kinuha ang isang unan at yinakap ito. Hanggang sa pinikit ko na ang mga mata ko. At pinilit na matulog. Salamat sa pagyakap ko sa unan dahil hinila na ako ng antok.

---- KINABUKASAN ----

Maaga akong nagising ngayong araw. Kailangan pumasok ng maaga sa trabaho dahil araw ng lunes.
Agad akong nagtungo sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo. Agad na akong nagbihis at nagayos ng sarili. Di rin naman nagtagal ay natapos na din ako. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si mama na naghahanda ng pagkain.

"good morning ma" bati ko sa kanya at humalik sa pisngi nya.

Humila ako ng upuan at naupo.

"maaga kang nagising ngayon ah?" tanong niya.

Ngumiti na lang ako. Nagumpisa naman na kaming kumain.

"mama. alis na po ako" paalam ko. Pasigaw kong sinabi yun dahil naghuhugas si mama ng pinagkainan namin.

"O sige anak. Ingat ka!" pasigaw ding sagot nya.

Agad na akong nagmartsa palabas ng bahay.


- Caspian's P.O.V -

"Hoy Siege. Tawagan na lang kaya natin si Eros" reklamo ko. Takte! kanina pa kami dito sa labas ng airport at nagaabang ng taxi. Pero wala namang humihinto. Tapos trapik pa. Langya! wala pa rin pinagbago ang pinas. Buti na lang ako walang pinagbago. Gwapo parin. *Winks*

WANTED PERFECT girl for boss sungit                    (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon