Chapter 12

61 2 0
                                    

Jungkook(BTS) as Dominick Morgan

*************
- Patricia's P.O.V -

Huminga muna ako ng malalim bago maglakad patungo sa office ni Sir Vince. Napatingin ako sa hawak-hawak kong resignation paper. Kinakabahan ako. Baka di ako payagan ni Sir.
Gusto kong i-pursue ang course ko. Magte-take ako ng licensure examination. Sapat naman na ang parang naipon ko sa pagtatrabaho ko dito.
Gusto ko na kasing maging isang guro kung sakaling makapasa ako.

Ng matapat ako sa opisina ni sir Vince. Huminga ulit ako ng malalim. Agad akong nagtuktok sa pinto ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto.
Naabutan ko si Sir na tutok sa laptop nya. Agad naman syang nagangat ng tingin.

"May kailangan ka Ms. Del Rosario?" tanong nya.

Nilapag ko ang resignation paper sa table nya. Napatingin sya dun.

"What is this?" kunot noo na tanong nya.

Mas lalo namang kumunot ang noo nya ng simulan nyang tignan ang resignation paper ko.

"So you're resigning?" tanong nya ulit.

Parang malungkot ang pagkakatanong nya? at kita ko sa mga mata nya ang lungkot.

"Yes. Sir. At pipirmahan mo na lang po" sagot ko.

"But. Why?" Nagulat ako sa tanong ni Sir. Diretso syang nakatingin sa mga mata ko.

"Kase sir. Plano ko pong mag take ng licensure examination. I-pursue my course sir. I want to be a licensured teacher" mahabang sagot ko.

Saglit nyang iniwas ang tingin sakin. Kinuha nya ang ballpen nya at pinirmahan ang resignation paper ko.

"Okay. If that's what you want. Thanks for working as my secretary Ms. Del Rosario. And advanced congrats to you. And I hope you will passed" he sincerely said.

Tumango ako.

"Thanks Sir"

Tumalikod na ako at lumabas ng opisina nya.
Pagkarating ko sa table ko na last ko ng mauupuan. Agad kong inayos ang mga gamit ko. Ng masigurado kong wala na akong maiiwan. Sinukbit ko na ang bag ko. Nilibot ko ulit ng tingin ang hallway na ito. Sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito. Masasabi kong mami-miss ko ng lubos itong bahagi ng kumpanya. At kahit ang table at swivel chair. Isama pa ang computer, ballpens and even folders at syempre ang mga reports na pinapagawan sakin ni Sir Vince ng powerpoint.
Napako ang tingin ko sa tapat ng opisina nya. Nakatayo sya dun at diretsong nakatingin sakin. Halos magkatitigan kami. Mga ilang sandali lang pumasok na ulit sya sa opisina nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WANTED PERFECT girl for boss sungit                    (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon