WH1TE 🔪

70 21 3
                                    



Amara
--

"Mara! Halika muna dito sandali" Dali daling bumalik si Amara ng marinig niya ang tawag ng kanyang Tatay.


Nagtataka ito ng bumalik at medyo hinihingal pa mula sa pagtakbo.


"Bakit po yun tay?"


"Nakalimutan mo yung pambili ng gamot."


"Ay! Oo nga po pala. Pasensya na po!" Kinuha ni Amara ang pambili ng gamot at inilagay ito sa bulsa ng palda niya. Inutusan kasi siya para bumili ng maintenance na gamot ng Tatay niya mamayang uwian nila.


"Ikaw talagang bata ka makakalimutin ka na agad. Mas ulyanin ka pa sakin" biro nito sa kanya


Nahihiyang napatawa si Amara dahil medyo makakalimutin nga siya at daig pa siya ng Tatay Ben niya.
"Hindi naman po! Sige po alis na po ako"
Akmang aalis ng muli si Amara ng muli siya nitong tawagin.



Nakita niyang may dinukot ito sa bulsa nito at inabot ang isang  bente pesos. Nagtatakang napatitig si Amara sa Tatay nito at iniisip na baka may ipapabili pa ito.



"Sayo na yan. Idagdag mo sa baon mo at baka magutom ka, maghapon pa naman ang klase mo"



"Pero busog pa naman po ako, marami po akong kinain kanina. Itabi niyo na lang po muna yan Tay para pandagdag sa gamot niyo" ibabalik na sana niya ang pera  pero hindi ito tinanggap ng matanda at umiling lang ito.



"Sige na Iyo na yan. Aba'y magtatampo na talaga ko sayo lagi mo na lang tinatanggihan kapag dinadagdagan ko ang baon mo. Wala ka na sa Elementarya kaya dapat medyo malaki na ang baon mo. Osige umalis ka na at baka mahuli ka pa" Walang nagawa si Amara kung di tanggapin na lang ito ayaw niya na din makipagtalo dahil malalate na siya.



"Salamat po Tay. Pag hindi ko ito nagamit ay itatabi ko na lang ito para bukas. Sige po alis na po ako"


"Osige magiingat ka"



Patakbong umalis ng bahay si Amara at ng makarating sa highway ay naglakad na lamang siya.



Si Tatay talaga kahit kelan napaka maalalahanin. Naaawa na ko sa kanya kasi matanda na siya pero nagtatrabaho pa din siya. Kaya nga nagsusumikap ako magaral para kapag nakapagtapos ako at nakahanap ng trabaho ay sila naman ni Nanay Carmen ang tutulungan ko.



Hindi naman gaano kalayuan ang school mula sa bahay nila kaya okay lang na maglakad siya. Mula sa di kalayuan ay tanaw na agad ang school na pinapasukan ni Amara. Halos lahat ng nagaaral dito ay may kaya o di kaya'y mayaman, kaya iniisip ng lahat ay hindi siya bagay dito pero wala naman siyang mapagpipilian dahil eto lang ang malapit na school sa kanila.



Walang problema sila Amara pagdating sa tuition fees dahil isa siyang scholar grantee ng kanilang eskwelahan, kung tutuusin napakaswerte niya dahil dito pero dahil isa lang siyang hamak na scholar ay madalas siyang pagtripan ng mga estudyante dito.



Napaupo si Amara ng sadyaing banggain siya ng isang estudyante. Natawa pa ito at hindi man lang humingi ng sorry .



Napapailing na tumayo si Amara at pinagpagan ang nadumihan niyang uniform dahil sa pagkakaupo. Kung sa iba nangyari yun ay siguro iiyak at magwawalkout ito pero dahil sanay na si Amara ay pinabayaan niya na lang ang mga ito. Mas gulo pa kasi kung papatulan niya pa.


White Lucy[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon