WH22TE 🔪

5 3 0
                                    

WH22TE 🔪

Amara

—-

Nang makaalis sila Amara sa kanilang bahay ay bumalik silang muli sa abandonandong bahay kung saan siya natulog. "A-Ano ng gagawin natin Lucy? Bakit dala dala mo yan?" Tanong niya dito na kasalukuyan hawak yung baseball bat na punong puno ng pako yung dulo.

"Were going to Morielle and take her life."

"Papatayin siya?!"


"Oh! Torture her and take her life. Haha I almost forgot.. We will not going to be easy on her. Tara"


Kahit hindi niya alam kung kaya niyang gawin ito ay sumunod na lang siya kay Lucy. Tahimik lang silang naglalakad sa madilim na kalsada, walang nagsasalita. Hanggang sa basagin niya ang katahimikan na to.

"Ah.. Lucy s-sabi mo diba iisang katawan lang yung ginagamit natin?"

"Hmm" walang ganang sagot nito sa kanya.

"Eh.. sinong gumagamit satin sa katawan na to sa mga oras na to?"

Tinignan siya nito. "Ikaw."

"P-paano mo nasabi?"

"Hawak mo na yung bat oh." Napatingin siya sa kamay niya at hawak niya na nga ito, kanina kasi ay hawak ito ni Lucy. "Mas madalas pa din na ikaw ang gumagamit ng katawan na yan. Minsan lang ako lumalabas pag trip ko lang."



"Eh Bakit hindi ko maalala yung mga ginagawa mo kapag lumalabas ka? Katulad noong pi-pinatay mo yung mga nambully sakin."


Lumiko sila sa isang eskinita at kahit madilim ay dirediretso lang silang naglakad.

"Ewan ko sayo. Baka tulog ka."

Nang makalabas sa eskinita ay nakarating sila sa hilera ng mga bar at kung pinapalad nga naman ay nakita nila ang grupo nila Morielle na papalabas dito. Napatingin siya kay Lucy at nakangisi na ito habang nakatingin kila Morielle. Hawak na nito ang baseball bat, indikasyon na ito na ang gumagamit ng katawan niya. Nakita niyang sumakay sa kotse ang mga ito at umalis doon.

"Umalis sila, paano yan?" Aligagang tanong Niya.

"Edi sundan natin" pumara ito ng tricycle at sumakay sila doon.

"Sundan niyo manong yung sasakyan." Agad naman itong sinundan ng driver. Habang nakasakay ay napapansin ni Lucy na panay ang tingin sa kanya ng driver. Dahilan para uminit ang ulo niya.

"Isa pang tingin manong, dudukutin ko yang eyeballs mo at gagawing bubble gum."

"Sungit mo naman Ma'am. Ang gara lang kasi ng buhok niyo po"

"So? It's none of your monkey business, magdrive ka na lang" Hindi na nagsalita ang driver at nagmaneho na lang.


"Grabe ka naman Lucy"


"Ssh manahimik ka"

Huminto ang kotse na lulan sila Morielle sa isang malaking bahay at nagbabaan ang mga ito at nagsipasok. Huminto at tricycle na sinasakyan nila at bumaba na din sila dito. Dire diretsong naglakad si Lucy nang tawagin siya ng tricycle driver. "Ma'am! Yung bayad niyo po?"


"Wala kong pera eh."

"Hindi po pwede yan. Magbayad po kayo, kundi tatawag ako ng pulis." Tinakot pa siya nito atsaka napatingin sa hawak niya. "Atsaka mukhang may gagawin kayong masama kaya niyo sinundan yung kotse."


White Lucy[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon