WH13TE 🔪
Amara
—-
Dahil holiday ngayon araw ay walang pasok sila Amara pero kahit ganun ay maaga pa din siyang nagising para tulungan ang kanyang mga magulang sa mga gawain nito. Hindi nagtinda sa palengke ngayon araw ang kanyang Nanay at Tatay.
"Amara ibilad mo tong mga isda mamaya diyan sa labas" Ani ng Nanay Carmen niya na abala sa panonood.
"Opo Nay"
Pag hindi kasi nagtitinda sa palengke ang mga ito ay nagbibilad ito ng mga isda sa pangpang sa labas ng kanilang bahay. Ngunit dahil ito lang ang araw ng pahinga ng mga ito ay siya muna ang gumagawa ng mga gawain ng kanyang Nanay katulad nga ng pagbibilad.
"Anak kumain ka muna bago mo gawin yan" Tatay Ben niya na umiinom ng kape sa kanilang maliit na mesa.
"Tay umiinom nanaman po kayo niyan diba bawal nga po sa inyo yan?"
"Hayaan mo na ko at wala naman itong asukal"
Napailing na lang si Amara dito dahil ang tigas talaga ng ulo ng kanyang Tatay Ben. Matapos kumain ay sinimulan ng ibilad ni Amara ang mga isda at para maging tuyo. Kailangan niya itong bantayan dahil may mga aso at pusa na kakain nito pag nakalingat siya kaya tutok siya sa mga isdang yun. Hanggang sumapit ang ala una ay ang kanyang Nanay naman ang nagbantay sa mga binilad niya.
"Pagkatapos mo kumain itiklop mo yung mga sinampay!"
"Opo"
"Hay naku! Kailangan pa utusan! Hindi na lang magkusa!"
Gagawin niya naman ito kahit hindi ito iutos sa kanya. Sadyang ganito lang talaga ang Nanay Carmen niya. Talagang gustong gusto nito na sinisigawan siya.
Matapos magtiklop ay lumabas ng bahay si Amara dahil masyadong mainit sa loob ng kanilang bahay. Nakasimpleng t-shirt lang siya at palda na nasa ilalim ng tuhod niya ang haba. Naisipan niyang pumunta sa five step cliff dito sa lugar nila na dinadayo ng mga turista dahil sa kagandahan ng view doon na tanaw na tanaw ang malawak na karagatan.
"Saan ka nanaman pupuntang bata ka?"
"M-may bibilhin lang po"
"Sige. Bilisan mo wag kang magtagal"
"Sige po"
Malalaking hakbang ang ginawa ni Amara papunta sa five step cliff. May kalayuan ito sa kanila pero sanay na sanay na siyang lakadin ito. Matagal tagal na din simula nung pumunta siya dito. Ito kasi ang madalas niyang puntahan kapag naboboring siya sa kanilang bahay o kung minsan ay malungkot siya at napapagalitan ng matindi ng kanyang Nanay.
Hindi naman siya malungkot ngayon pero namimiss niya na magpunta sa lugar na iyon. Tinungo niya ang kakahuyan kung saan doon ang daan patungo dito. Mapuno ang kanyang dinadaan ngunit malinis naman ito at hindi gaanong mataas ang mga damo. Talagang iniingatan ito dahil maraming nag pupunta doon.
Nang matanaw niya na ang bangin ay patakbo niya itong tinungo. May mga harang sa gilid nito upang hindi malaglag ang tao doon. May mangilan ngilan na tao ang nadatnan niya doon pero hindi katulad dati na madami. Hindi na kasi bakasyon ngayon kaya medyo matumal ang turista sa kanilang bayan.
Napasinghot si Amara sa napakasariwang hangin at tuwang tuwa na tinanaw ang napakalawak na dagat. Talagang gumagaan ang kanyang pakiramdam kapag andito siya. Matapos makakuha ng litrato ay nagsisialisan na din naman ang mga tao doon. May isa pa ngang pamilya na nakisuyo sa kanyang kuhaan ang mga ito ng litrato.
BINABASA MO ANG
White Lucy[COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang babae ang magpakilala kay Amara bilang isang kaibigan. Mapagkakatiwalaan niya ba Ito? Sa kabila ng sinabi nito na tutulungan siyang maghiganti sa mga nambully sa kanya.