WH17TE 🔪
Thirds person's POV
—
Magbebente minutos na nag-aantay ang dalawa mula sa parking lot kay Amara pero hindi pa din ito dumadating. Naiinip na sila kaka-antay dito pero hindi din maitatanggi ng dalawa na mag-alala kung nasaan na to.
"She's taking too long. Puntahan na kaya natin?" Sabi ni Leon na nakasandal sa kotse niya.
"Ako na lang! Bantayan mo yung bag ko" tumayo ito mula sa pagkakaupo sa bumper at tumakbo na papuntang building nila. Pipigilan sana ito ni Leon pero ang bilis ng takbo nito at hindi niya na nakita.
Limang minuto ang lumipas ay bumalik si Sab sa parking lot pero mag-isa lamang ito. Bakas ang lungkot sa mukha.
"Where's Amara? Bakit di mo kasama?" Bungad na tanong ni Leon ng makarating ito.
"U-umuwi na daw sabi ni Miss Geronimo. Na-Napagalitan ata d-dahil sa pagtago niya kay Lucy s-sa room. T-Tara?"
"You okay? You're stuttering."
"Ye-yeah. I'm j-just hungry. Let's go!" Hinila niya ito papasok sa kotse.
"Wait. Edi sana kung umuwi siya makikita natin siyang dumaan dito. Tsk! Dapat simahan ko siya eh" Tumigil ito sa paglalakad.
"M-maybe sa kabilang gate siya dumaan. Ku-kung gusto mo tawagan mo siya?"
"Wala siyang cellphone. Damn baka kung ano nang nangyari. Sure ka bang nakauwi na daw siya?"
"O-oo! Diba madalas naman umuwi ng mag-isa si Amara? Hindi naman siya siguro mapapahamak tsaka matagal na siyang nakatira dito, k-kung Gusto mo tanong pa natin kay Miss Geronimo? Para maniwala ka" sa hindi malamang dahilan ni Leon ay nagkakautal-utal si Sab at namamawis din ito pero ipinag-kibit-balikat niya na lang ito. Dahil baka nga nagugutom na ito at pagod na din.
"No wag na baka nga nakauwi na siya, tsaka sabi mo naman eh. Tiwala naman ako sayo. Tara" pumasok na silang dalawa sa kotse at umalis na sa school.
~•~•~•~
Amara
—-
Nang imulat ko ang mga mata ko kadiliman agad ang bumungad sa akin. Ngunit kahit anong kurap ang gawin ko sa mga mata ko ay wala akong makita.
Asan ako?
Pilit kong inalala kung anong nangyari kanina, pauwi na kami nun nila Sab tapos pinatawag ako ni Miss Geronimo na nasa room namin... at pagkatapos si Lucy hinahanap ko.. si Lucy! Hindi ko siya nahanap! Hanggang sa may nagtakip sa ilong ko ng kung ano at hanggang doon na lang ang natatandaan ko.
Nakidnap ba ko?
Imposible.. hindi naman kami mayaman. Bakit naman ako kikidnapin?
Biglang pumasok sa isip ni Amara ang mga nangyari sa mga kamag-aral niya. Pinatay ang mga ito ni Lucy. Sinasabi ko na nga ba dapat hindi ako nagtiwala sa kanya. Bakit ba kasi hindi ko siya sinumbong? Ang duwag ko kasi!
Gumapang ang kilabot kay Amara nang hindi maiwasang isipan na baka siya na ang isunod nito."Tulong! Tulungan niyo po ako!" Nagsisigaw si Amara, nagbabakasakaling may makarinig sa kaniya. "Parang awa niyo na! Tulungan niyo po ako!" Sigaw ng sigaw si Amara pero wala pa din na dumadating na tulong sa kanya. Tumigil siya ng mapagod dahil sumasakit na din ang lalamunan niya kakasigaw. "Lucy! Pakawalan mo ko! Hindi naman ako nagsumbong!"
BINABASA MO ANG
White Lucy[COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang babae ang magpakilala kay Amara bilang isang kaibigan. Mapagkakatiwalaan niya ba Ito? Sa kabila ng sinabi nito na tutulungan siyang maghiganti sa mga nambully sa kanya.