WH15TE 🔪
Amara
—-
Banayad na iminulat ni Amara ang kanyang mga mata. Nagtataka siyang napatingin sa paligid dahil nasa isa siyang garden. Nasa tabi nito ang isang bahay. Marahil ay sa garden ito ng bahay na iyon. Hindi siya nag-iisa dito, madaming tao at bata. Parang nag-kakasiyahan ang lahat. Maraming lobo at mga upuan sa paligid, May mga makukulay din na dekorasyon na nakasabit. Marami din pagkain ang nakahanda sa isang lamesang pahaba. Mistulan siyang nasa isang birthday party.
Maya-maya ay napatingin siya sa isang batang lalaki, naglalakad ito at papunta sa isang batang babae, inabot ng batang lalaki ang isang regalo dito. Nakilala ni Amara iyong batang babae, ito yung nasa panaginip din niya noon at ang batang nakadrawing sa sketchpad ni Leon. Tinignan niya din ang batang lalaki na nagbigay ng regalo. Iba ito sa batang lalaki na nasa panaginip niya noon na tinawag ng batang babae na 'kuya'"
"Happy Birthday! for you." Inabot nito ang regalo. "Peace offering ko na din sayo." Nakangiti ang batang lalaki dito pero hindi siya pinansin ng batang babae at binuksan nito ang kahon.
Lumabas doon ang isang kulay puti at matabang pusa. Tuwang tuwa ang batang babae sa natanggap niyang regalo at niyakap niya pa ang batang lalaki. Kinarga niya ang pusa at niyakap ito ng sobrang higpit. Sa sobrang higpit ay kinalmot siya ng pusa sa pisngi dahil mukhang nasaktan ito sa ginawa niya.
"Ouch! Bad cat!" Sigaw ng batang babae. Habang tawa ng tawa ang batang lalaki sa nangyari dito.
~•~•~•~
Tagaktak ang pawis ni Amara nang magising siya. Nagtataka siya dahil hindi naman mainit ngayon, napatingin siya sa suot na relo at alas kwatro pa lang ng madaling araw. Naaalala niya bigla yung panaginip niya. Pusa na puti?
Pamilyar ang pusang iyon.
Si Lucy..
Napatingin siya sa tabi niya ngunit wala ito doon. Inikot niya ang paningin hanggang sa makita niya ito sa taas ng kanyang maliit na aparador at nakahiga ito doon. Seryosong nakatingin sa kanya. Na mistulan alam kung bakit siya biglang nagising. Bahagya pang gumagalaw ang mga buntot nito. Kinilabutan tuloy siya at hindi na nagawa pang matulog.
~•~•~•~
Matapos ang dalawang araw ay dumating na ang araw ng kanilang Intramurals. Hindi magkanda-ugaga ang mga seniors sa pag-aasikaso ng kanilang mga food stalls. Nakatoka sa pagpupunas ng lamesa si Amara, pupunasan niya ang lamesa pag may natapos ng kumain doon. Baka daw kasi walang bumili sa kanila pag siya ang kukuha ng order. Hanggang ngayon ba naman ay hindi talaga siya tatantanan ng mga ito.
"Hoy Amara! Pumunta ka sa table 3 at linisan mo yun! Bagal bagal nito" Sigaw sa kanya ni Bernadette
Dali daling pumunta si Amara sa table 3 at pinunasan iyon. Sampu silang nandito dahil ang iba nilang kaklase ay mga players din ng ibang sports. Yung iba naman sa kanila ay puro pa-cute lang yung ginagawa dahil may mga taga ibang campus na dumating.
Isang oras matapos magsimula ng intrams ay 10 o'clock pa lang pero ang dami ng estudyante ang nasa food court at kumakain. Kakaumpisa pa lang ng basketball. Nakatayo lang siya doon at inaantay kung may tatayong kumakain sa table atsaka niya lilinisan iyon.
Napatingin siya kung nasaan si Sab, kasalukuyan itong nasa counter at kumukuha ng mga order. Hindi ito magkanda-ugaga sa pagkuha ng mga order. Pawis na pawis na ito at mukhang tense na din. Gusto niya sana itong tulungan kaya lang tinawag nanaman siya ng mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
White Lucy[COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang babae ang magpakilala kay Amara bilang isang kaibigan. Mapagkakatiwalaan niya ba Ito? Sa kabila ng sinabi nito na tutulungan siyang maghiganti sa mga nambully sa kanya.