WH14TE 🔪

7 5 0
                                    

WH14TE 🔪

Amara

—-

Hingal na hingal si Leon at Amara dahil sa pagtakbo ng huminto sila. Nakarating na sila sa tapat ng mall. Napaupo si Amara sa labis na pagod habang si Leon naman ay walang tigil sa pagtawa.

"A-anong nakakatawa?" Hingal na hingal pa din si Amara dahil ginawang takbo. "Tsaka b-bakit tayo tumakbo?!"

Tawa ng tawa ang binata at pulang pula ito. Kalaunan ay tumigil din ito at napaupo din sa tapat niya. "Yung si Morielle kasi! That woman! Niyayaya niya kong manood sa practice ng Volleyball team!"

"Bakit di ka pumunta?"

"Ayoko. Wala naman akong gagawin dun. Mabobored lang ako"

"Oh bakit ka tawa nang tawa?" Pagkatanong niya dito ay bigla na naman ito humagalpak nang tawa.

"Ang saya kasi tumakbo lalo na kapag may humahabol sayo. Haha It's been decade the last time I run like that since Rachel.." natigil ito sa pagsasalita at nawala ang mga ngiting kaninang nakapinta sa mga labi nito.

"Rachel?" Nagtatakang napatingin si Amara dito.

"Ah-nothing. Nothing. S-Some old friend Tara na!"

Tumayo sila sa pagkakaupo at pumasok na sa loob ng mall, dumiretso sila sa department store at pumunta sa school supplies section. Abala silang dalawa sa paghahanap sa mga materials na nakasulat sa listahan. Kasalukuyan nasa paghahanap ng mahagip ni Amara ang mga sketchpad. Naalala tuloy niya yung batang nakadrawing doon sa sketchpad ni Leon. Hindi niya ito natanong kahapon. Nawala sa isip niya.

"Leon? Ang galing mo pala magdrawing no?" Bigla niyang sabi dito.

"Hindi naman" napatawa ito at mistulang nahiya sa sinabi niya.

"Tinignan ko kasi yung mga nakadrawing sa sketchpad mo nung naiwan mo at kinuha ko. Ang galing mo kaya"

"Haha. Thank you, wag mo naman ako purihin masyado. Baka maniwala ako"

Tumingin siya dito.
"Totoo kaya! Ako nga ang pangit ko magdrawing eh. Stick man yung tao ko" natawa ang binata sa kanya. "Osige na ikaw na magaling"

"Practice lang naman yung ginawa ko kaya gumaling ako. Try mo"

"Sige sige. Basta turuan mo ko" Sabi niya habang natatawa.

"Sure!"

Matapos yun ay saglit silang natahimik. Eto na ang pagkakataon niya para tanungin ang bagay na yun.

"Ah Leon... Sino yung batang babae na nakadrawing sa sketchpad mo?" Hindi na niya kinaya pa at tinanong na niya talaga ito. Nalaglag ni Leon ang mga hawak nitong markers at tila natigilan ito.

"O-okay ka lang?" Mukhang hindi magandang itanong sa kanya yun. Bakit ba kasi ang chismosa ko? Pagsisisi niya sa sarili.

Tila nahimasmasan naman ito at dinampot ang mga nahulog. "Y-yes"

"S-sorry sa tanong ko. Hindi ko sinasadya. W-wag mo na lang pansinin"

"No. It's okay,"


Matapos nilang magbayad sa cashier ay tahimik silang naglalakad palabas ng department store. Walang nagsalita sa kanila mula pa kanina. Pakiramdam tuloy ni Amara ay naging awkward ang dating nila dahil sa pagtatanong niya kanina. Eh bakit ba ganun na lang yung reaksyon niya kanina?

White Lucy[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon