Wh4TE 🔪
Amara
--"Mommy! Help!"
Naririnig ko ang sigaw ng isang bata.
"Mommy! I'm scared!"
Halata ang takot na nababalot sa boses nito.
"Kuya! Daddy! Help me!"
Hinanap ko kung saan ito nanggagaling.
Lingon ako ng lingon sa paligid ko pero wala akong makita.
Madilim... Napakadilim... yun lang ang nakikita ko. Asan ba ko?
"I'm scared! Daddy!"
Nagsisigaw itong muli. Asan ba siya? Bakit sobrang dilim
"Mommy! Daddy! Ku---" unti unting lumalabo ang boses ng bata hanggang sa mawala na ito.
—-
Mabilis natapos ang pangatlong subject nila Amara. Wala silang masyadong ginawa maliban sa nagpaquiz pagkatapos ng discussion. Nakakuha siya ng perfect score kaya ang sama nanaman ng tingin sa kanya ng mga inggiterang classmates niya.
Kinuha na lamang niya ang notebook at nagsulat ng kung ano ano dito para maiwasan ang titig ng mga ito sa kanya. Minsan din ay nagsasawa siya sa pagbabasa kaya ito na lang ang ginagawa niya.
Inaantay na lang nila ang next teacher nila para sa susunod na subject ay pagkatapos nun ay break time na.
Hindi maiwasan ni Amara na mapasulyap sa mga kaklase niya. Hindi tulad kanina ay hindi na ang mga ito nakatingin sa kanya. May kanya kanya na ang mga ito na ginagawa. Karamihan ay nagkekwentuhan at nagtatawanan. Halata ang saya sa kanila.
Ako kaya? Ano kayang pakiramdam ng may kaibigan? Ano kayang pakiramdam ng makipagtawanan sa iba?
Ano kayang pakiramdam ng kausapin ka nila? Yung hindi ka nila ipapahiya.
Kakausapin lang naman siya ng mga ito kung about sa school o kung anong activities nila at pagkatapos nun ay hindi na ulit siya papansinin ng mga ito.
Inalis niya ang tingin niya dito at napatingin sa gilid ng bag niya nakasukbit doon ang payong ni Leon na pinahiram sa kanya kahapon.
Napatingin siya sa pwesto ni Leon na nasa bandang kaliwang bahagi sa unahan samantalang ang upuan niya ay nasa likod at kanan na bahagi ng classroom. Abala itong makipagusap sa ibang kaklase nila. Bago pa lang siya pero may friends na agad siya samantalang ako apat na taon na dito pero ni isa wala. Gusto niya sanang ibalik ang payong nito kaya lang ay nahihiya naman siyang lumapit dito. Panigurado kasing lalaitin at pagtatabuyan lang siya ng mga ito.
Bumukas ang pinto at pumasok ang History Teacher nila na si Ms. Geronimo. Naglakad ito papunta sa harap. Agad naman nagsiayos ng upo ang mga kaklase niya nang makita ang guro.
Tumingin muna ito sa paligid bago nagsalita.
"Review your Textbook on page 394 and answer it on your booklet. Ilalagay ko yan bilang quiz niyo kaya bawal ang hindi gumawa. Pakilagay na lang dito sa table sa harap pag tapos na kayo and then pwede na kayo magbreak" Ms. Geronimo
Pagkasabi nito ng gagawin ay agad na kinuha ni Amara ang kanyang textbook at hinanap ang nasabing pahina, kaagad niyang binasa ang topic doon.
BINABASA MO ANG
White Lucy[COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang babae ang magpakilala kay Amara bilang isang kaibigan. Mapagkakatiwalaan niya ba Ito? Sa kabila ng sinabi nito na tutulungan siyang maghiganti sa mga nambully sa kanya.