WH11TE 🔪
Amara
—
Kinabukasan ay nagkaroon na naman ng Mass Prayer para sa pagkamatay ni Amy. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa gymnasium at nakikinig sa nagsasalita. Katabi ko sa upuan si Sab at panay ang kain nito sa hawak ng chichirya. Ako na natatakot sa kalusugan ng babaeng to, baka magka UTI siya niyan.
Kinuha niya mula sa bag niya ang isa pang malaking chichirya at binigay ito sakin. Tinanggihan ko ito pero sinamaan niya ako ng tingin kaya kinuha ko na lang ito at kinain.
Habang nakikinig kami sa mga nagsasalita sa unahan ay pakiramdam ko bigla akong napagod, ang weird lang dahil hindi naman ako tumakbo, nakaupo lang ako. Hindi din naman mainit dito sa gym. Pakiramdam ko din ay nahihirapan akong huminga. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumibilis din ang tibok ng puso ko.
Napakapit sa braso ni Sab si Amara. Nagtataka itonng napatingin kay Amara. Hindi niya namalayan hanggang sa bumagsak ito at biglang hinimatay. Nataranta si Sab dahil sa nangyari.
"Tu-tulong! Hi-hinimatay! May hinimatay!" Nagpalinga linga si Sab pero walang gustong bumuhat sa kay Amara.
"A-amara!" Niyugyog niya ito.
"Help us!" Sigaw niya pero walang lumalapit.
Hanggang sa may lumapit na lalaki at binuhat nito ang katawan ni Amara. At nagtungo sa pinto ng gym, kinuha niya ang mag gamit nila at pagkatapos ay sinundan niya ito, bago siya lumabas ay tumingin siyang muli sa mga estudyante.
"Fuck you all!" Itinaas niya ang middle finger siya sa mga ito. Wala siyang paki alam kahit may pari at mga teachers pa dun.
Tinakbo niya na ang daan papuntang infirmary.
~•~•~•~
Kasalukuyan silang nagbabantay sa natutulog na si Amara, okay na daw ito at napainom na ng gamot. Ngayon lang napansin ni Sab na si Leon pala ang bumuhat dito. Hindi niya ito napansin kanina dahil nataranta na din siya.
"What happened? Why did she collapsed?" Leon
"I-I don't know we were just sitting quietly and then suddenly she grasped my arm. Tapos hawak niya din yung dibdib niya nun, parang hirap siya huminga then bigla na lang siya hinimatay"
"Bakit naman siya mahihirapan huminga?"
"I told you hindi ko din alam, kumakain lang naman siya nun ng binigay kong chichirya wa-" pinutol ni Leon bigla ang pagsasalita niya.
"Anong flavor ng binigay mo?"
"Bakit? Importante ba yun?"
"Ano nga?!" napasigaw na si Leon dahilan para mapa-amang si Sab sa kinauupuan niya. "So-sorry" humingi dito ng pasensya si Leon at medyo na konsensya siya sa pagsigaw dito.
"S-Shrimp flavor crackers ata yun k-kasi cheese flavor yung akin"
Napaiwas ng tingin si Leon at tila may malalim na napaisip at sabay umiling iling pa. Nagtataka si Sab sa biglang pagtahimik nito. "Bakit?" Sab
"Nothing. Sige balik na ko sa room. Pakibantayan na lang siya" Tumango siya dito at lumabas na ng infirmary.
Gusto sanang pumunta ni Sab sa Cafeteria dahil nagugutom na din siya sa pagbabantay kay Amara hindi pa din kasi ito nagigising hanggang ngayon. Hindi niya naman pwedeng iwanan ito dahil baka magising ito. Pero gutom na talaga siya halos dalawang oras na nung umalis si Leon at bantayan niya ito.
BINABASA MO ANG
White Lucy[COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang babae ang magpakilala kay Amara bilang isang kaibigan. Mapagkakatiwalaan niya ba Ito? Sa kabila ng sinabi nito na tutulungan siyang maghiganti sa mga nambully sa kanya.