WH9TE 🔪
Amara
--Nakatayo lang ako sa labas ng isang school supplies shop habang inaantay ko si Leon na kasalukuyang nagbabayad sa counter. Sinabi ko kasing dito ko na lang siya aantayin, habang nakatayo ay hindi ko maiwasang hindi ilibot ang paningin ko sa paligid ng mall. Hindi ko naman first time makapasok dito tuwing bagong taon ay gumagala ako dito at nagiikot ikot. Nakakasawa din kasi sa bahay eh.
At least naman kahit holiday ay makalanghap ako ng amoy aircon hindi yung puro amoy dagat lang.
Napapitlag si Amara ng biglang may humawak sa kanyang balikat, napalingon siya at si Leon lang pala, mukhang tapos na itong magbayad.
"Nakabili ka ba?" Tanong niya dito sabay tingin sa paper bag na bitbit nito.
"Yep. Let's go?"
Tumango siya at sabay silang naglakad. Naglagay siya ng kaunting space para hindi sila tuluyan magdikit ni Leon. Hindi niya alam kung naiilang siya dito o nagiingat lang na baka may makakita sa kanila at magsumbong kay Morielle. Patingin tingin lang ako sa mga shop na nadadaanan namin. Grabe ang mahal ng mga damit na naka display. Ilan buwan kaya kong hindi kakain para lang makabili ng isang damit diyan?
"Bili tayong ice cream!" Bigla siyang hinila ni Leon papasok sa isang ice cream parlor.
Nang makarating kami sa counter ay napatingin siya sa mga flavor ng ice cream na naka display. Kinilabutan siya dahil ang mamahal at wala siyang pambayad. Lagi naman eh.
"What flavor you want?" Tumingin ito sa direksyon niya at nagaantay ng isasagot niya.
"Ahm.. ano. Wala kong pera eh. Hehe"
"Libre ko na. Sinamahan mo naman ako dito eh"
"Uhm.. sige.. kahit ano na lang" kahihiyan na to grabe.
"Ara. Walang kahit ano na flavor sa ice cream"
Bakit kasi wala man lang akong pera para mabusog naman ang tiyan ko. Nahihiya na ko kay Leon. Pinaupo niya muna ako sa isang table dun na walang tao.
Walang masyadong tao ngayon dito sa ice cream parlor na to. Tatlong lamesa lang ang meron mga nakaupo. May isang magcouple sa isang lamesa malapit sa bintana at mukhang may pinaguusapan na masinsinan. Sa bandang likod ko naman ay may isang lalaking nakaupo, may ice cream sa harap niya pero hindi niya kinakain mukhang tunaw na nga eh. At yung lamesa naman na malapit sa pinto ay may isang babaeng nakaupo.
Teka parang pamilyar siya. Tinitigan ko itong mabuti at nakilala ko ito dahil sa ayos at kulay ng buhok nito. Bahagya itong nakayuko pero nakilala ko agad siya. Nagangat ito ng tingin at saktong napatingin ito sakin. Medyo nagulat pa nga si Sab ng magtama ang tingin namin.
Nang makabawi ito ay ngumiti ito sa kanya, biglang tumayo sa upuan. Akala niya ay lalabas na to pero pumunta ito sa table na kinauupuan niya at umupo sa kaharap na upuan.
"Uy Amara! Hi! Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito.
"Ah.. hello. Nagpasama lang si Leon na bumili ng sketch pad niya. Pauwi na din kami kaso lang nagyaya siyang kumain ng ice cream dito"
Lumingon ito kay Leon na nasa counter pa din hanggang ngayon.
"Ikaw Sab? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito
Lumingon ito sa kanya sabay tumawa. "Obviously kakain ng ice cream. Haha wait lang ah" tumayo ito at pumuntang counter at mukhang oorder ito.
BINABASA MO ANG
White Lucy[COMPLETED]
Mystery / ThrillerIsang babae ang magpakilala kay Amara bilang isang kaibigan. Mapagkakatiwalaan niya ba Ito? Sa kabila ng sinabi nito na tutulungan siyang maghiganti sa mga nambully sa kanya.