Prologue
"Nakatingin ka na naman sa kawalan" komento ng kaibigan ni Jen. "Naaalala ko na sya, na miss ko na sya" sagot ni Jen sa kaibigang si Marga at tuluyan nang lumipad ang isip nya sa nakaraan.
"I love you hon. Mahal na mahal kita at hindi kita iiwan." sabi ng kanyang nobyong si Ariel sabay yakap. "I love you too hon, promise mo yan ha? walang iwanan." sagot ni Jen sabay yakap ng mahigpit kay Ariel.
Nagkakilala sila noong Highschool sa pamamagitan ng mga music video na ngpapalabas ng numero sa tv. Hating gabi na noon at hindi makatulog si Jen, kahit na anong paling niya ay talagang hindi sya makatulog. Naisipan niya na mgpaantok sa harap ng tv at doon nga ay nakita niya ang isang channel na my music video kasabay niyon sa gilid ay may mga ngfflash na numero. "Wanted panget" yun ang nakakuha ng kanyang atensyon, kasabay ng pagflash ng numero ng taong nghahanap ng panget. Dali daling kinuha ni Jen and numero at doon na ng simula ang pagiging magkaibigan nila ni Ariel.
Nagtagal ang mga araw at buwan, umusbong ang pagiging magkaibigan nila ni Ariel, na kinalaunan ay naging mag nobyo na sila. Dumaan ang apat na taon, masaya pa ring magkasama ang dalawa, walang sinuman ang tutol sa kanila, lalo na ang pamilya ni Ariel na talagang mahal na mahal si Jen. Madalas na nila mapag usapan noon ang kanilang future bilang husband and wife, at nagbabalak na din silang lumagay sa tahimik, ngunit nangyari ang di inaasahan.