Ilang araw na ang lumipas, parang bula na hindi nagpaparamdam si Michael sa kaniya, nagtaka na din si Jen, "hmmm? ano na kaya nangyari sa mokong na iyon?". Kaya naman nang minsan na makita ni Jen na online ito sa facebook ay nag chat siya. "Hello Engr. kumusta?" bati niya dito. "eto busy sa work" sagot ni Michael. "ah, nagbreakfast ka na?" tanong niya, mejo maaga pa kasi noon, mga 8am. "tapos na, actually m22log pa lang ako ngaun, galing ako sa gimik with friends" sagot nito sa kanya. Hindi niya malaman kung anong sasabihin, naiinis siya, "gumimik lang pala hindi man lang ako ma text, hmp!" sambit na lamang ni Jen sa sarili.
Dumaan pa ang ilang linggo at tila wala nang Michael, ni hindi na siya nito tntext o tinatawagan. Dumaan pa ang isang buwan, bigla na lamang siyang naka receive ng chat galing dito. "Hi Jen! how are you?" tanong nito "im fine" naiinis na sagot niya, "nakakaloko na ang lalaking ito ah! susulpot na lang pabigla bigla!" nasabi na naman niya sa kaniyang sarili. "Alam mo ba Jen, nagkabalikan na kami ng ex ko." tila masayang sabi nito. BOOM!!!! para siyang nilaglagan ng bomba. Hindi na siya sumagot at talagang nanginginig siya sa galit. Dali dali niyang tinawagan ang kaibigang si Marga.
"Bwisit na Michael yan! BWISIT!!!! Niloko nya ko! nakakainis!" walang pakundangan na sumbong ni Jen sa kaibigang si Marga. "Bakit kayo ba?" tanong nito sa kanya "isa ka pa! isa ka pa! hmp! hmp! nakakainis siya! bakit siya ganun?! ano ako replacement? o past time?"sagot niya ulit kay Marga. "hay naku! baka assuming ka lang friend!" sagot ulit nito. "ako? assuming?! eh ano yun pa date date namin! yun pahubad hubad ng salamin ko at sabihing maganda ako? ano yun mga pa sweet na effect na yun?! wala lang?! testing lang kung kakagat ako ganun?!" naiiyak na sabi niya "oi! wag ka nga umiyak jan Jen, baka naman hindi pa siya para sayo, hayaan mo na" sagot ni Marga.
Umiyak siya ng umiyak ng gabing iyon, pero kasabay ng pag iyak na iyon ay ipinangako niya sa sarili na hindi na niya muling papansinin pa si Michael.