Chapter 4 - Starting over again

3 0 0
                                    

Si Michael ay naging madalas na ka text ni Jen, kung hindi naman ay ka chat sa facebook. Isang engineer si Michael, college pa lamang siya ay kilala niya ito sa pamamagitan ng chat sa YM. Noong college pa lamang siya ay na try na niyang lumabas kasama nito, lingid sa kaalaman ng nobyo niyang si Ariel, muntik na nga din talaga na maging sanhi iyon ng break up nila. Masarap kasi kausap si Michael, ibang level, siguro ay dahil ilang taon din ang tanda nito sa kanya at syempre dahil nga maganda ang trabaho nito at malaki na ang confidence sa sarili.

Minsan nagyaya si Michael ng date kay Jen, pinaunlakan naman niya ito. Biyernes noon ng gabi at napagkasunduan nila na dadaanan na lamang siya ni Michael sa my Ayala Mrt Station dahil traffic pa daw kapag pumasok ito ng Ayala Center. Excited si Jen ng araw na iyon, parang gusto na niyang hilain ang oras para magkita na sila. Kahit na nga ba 7 months pa lang noon nawawala si Ariel, naisip ni Jen na ito ang magiging kagustuhan niyon, ang lumabas siya at ipagpatuloy ang kanyang buhay. Ganoon din naman ang sinabi ng ama nito sa kanya, na wag niya isasara ang kanyang puso.

Dumating ang 6 ng gabi at tapos na ang trabaho ni Jen, dali dali siyang pmunta sa powder room at ng retouch ng kaniyang make up. Dapat maging maganda siya sa paningin ni Michael, ilang taon din naman silang hindi nagkita, at alam nito ang tungkol sa pagkawala ni Ariel, ayaw naman niyang mag mukhang depressed kapag nakita siya nito.

"Paalis pa lang ako ng MOA, maybe 15 minutes nasa Ayala na ko" text ni Michael sa kanya. "Ok, paalis na din ako ng Office" sagot ni Jen. Paglabas niya ng office ay nagdadalawang isip siya kung maglalakad or mgjeep papuntang Ayala Station, medyo my kalayuan din kasi iyon, kung ordinaryong araw lamang ito maglalakad siya, ngunit my date siya ngaun kaya naisipan niya na tumawid na lamang sa sakayan ng jeep. Ngunit ng makarating naman siya sa sakayan ay ubod ng haba ang pila. "hmp! nakakainis naman oh!" sambit ni Jen sa sarili, mapipilitan tuloy siyang maglakad at baka mauna pa si Michael sa kanya, ayaw pa naman niya ng nalalate sa kahit na anong lakad na meron siya. Sinumulan na niyang bagtasin ang daan patungong landmark, sa mall na lang siya dadaan atleast hindi siya gaanong pagpapawisan. Nakarating si Jen sa Ayala Station, "andito na ko ayala, saan kita wait?"  text niya kay Michael "tawid ka sa kabila papuntang fort, malapit na din ako hindi lang makaliko at naipit sa stop light" sagot ni Michael sa kanya.

Tumawid siya sa kabila papuntang fort bonifacio, di pa niya napupuntahan ang lugar na iyon kaya naman super excited din siyang malaman kung saan ang dinner date nila. Hindi pa siya nagtatagal na nakatayo sa my gilid ng kalye ay tumunog na ang kaniyang phone "hello Jen, nasan ka na?" tanong ni Michael sa kanya. "andito lang ako sa my unahan, malapit sa my puno" sagot ni Jen, Nang biglang my tumigil na isang itim na kotse sa kaniyang harapan, bumaba ang bintana noon at nakita niya ang mukha ni Michael, dali dali na siyang sumakay at nakakaistorbo sila sa daan. "kumusta ka na? long time no see ah" bati sa kaniya ni Michael, "oo nga eh, medyo matagal tagal din" sagot niya. Marami rami din silang napagkwentuhan sa sasakyan habang binabagtas ang kalye papuntang fort. Manaka naka din ang pagtingin sa kaniya ni Michael, at sa loob ng ilang buwan ng pagiging malungkot, ngaun lamang naramdaman ni Jen na tumatawa siya na talagang masaya siya, hindi katulad dati na plastic lamang ang kanyang mga tawa at ngiti. This time, she felt like she has regained her old self. "this is a good start" naisip na lamang ni Jen.

The Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon