Ilang buwan na din ang nakakaraan, wala nang balita si Jen kay Michael, actually hindi sa wala, ayaw niya lang talagang makibalita. Medyo na gain din siya ng weight sa kakaisip kung bakit niyon nagawa sa kanya ang ganoong bagay, sa madaling salita nag stress eating siya.
Malapit na noon ang Christmas season, malapit na din ang 1 year death anniversary ni Ariel. Madalas nanaman makaramdan si Jen nang lungkot. Isang araw ay nakasimangot siya sa harap ng kanyang computer ng tinawag siya ng kanyang boss. "Jen, can you come here please" sabi ng boss niya. Lumapit naman si Jen at naupo sa upuan sa tabi ng mesa ng boss. "We have an upcoming project and we need to involve government people, are you comfortable dealing with them?" tanong ng boss niya "Oh, I have no problems with that sir." sagot niya dito. "Well then, I need you to contact some people in the government and make arrangements for a meeting with me. We need to establish a good relationship with them" sabi nito at inabot sa kanya ang ilang papel, "i trust you know what to do?" paninigurado nito. "Yes sir" nakangiting sagot niya dito. Iyon naman ang gusto ni Jen sa kaniyang boss, may tiwala sa kaniya na gawin ang mga bagay bagay. Sinimulan na niya ang trabaho na dapat niyang gawin. Second week na noon ng December at talagang mahirap na hanapin ang mga taong kailangan nilang makausap. Challenge iyon kay Jen, "masusubukan ang galing ko sa persuasion nito" sabi niya sa sarili.
Tumawag siya sa isang government agency na target ng kanyang boss. "kring kring", "hello good afternoon" sagot ng lalaki sa kabilang linya. "Hi, good afternoon, is this Mr. Carlos' office?" tanong ni Jen. "Yes how may i help you?" "Hi, this Jen, hmm.. I need to speak with Mr. Carlos' secretary please?" "I am his secretary" sagot ng nasa kabilang linya. "lalaking secretary? wow!" isip ni Jen. "May I know your name sir?" tanong ni Jen sa lalaki. "This is Emer. What is it that you need with Mr. Carlos?" Kinausap niya ang lalaki tungkol sa kanyang pakay. Syempre ginamitan na din nya ng konting charm.
Gumana ang kanyang charm sapagkat pumayag si Emer na bigyan sila ng appointment kahit na nga ba full ang schedule ng boss nito. Simula noon ay lagi na silang magkausap sa telepono para sa mga appointments ng kanilang boss. Nakagaanan na niya ng loob si Emer, dahil siguro palabiro ang lalaki at lagi itong tumatawag sa kaniya. Naka ilang meetings na ang mga boss nila ngunit hindi pa din niya alam ang itsura ni Emer. "malamang na hindi, hindi naman ako sinasama ni boss sa mga meetings" sabi na lamang niya sa sarili. Besides ayaw na ayaw rin naman niya na gumagawa ng minutes.
Ilang araw na lang at Christmas na, nakatanggap siya ng tawag sa kaniyang direct line. "Hi Jen" bungad nito sa kanya, boses pa lang alam na niya na si Emer ito, malalim at matipunong boses. "Hi Emer", masigla niyang bati."Ahm. Jen, hingin ko sana number mo eh!" sabi nito sa kanya "Ay? bakit? my landline naman." sagot niya. "Hindi naman para makipagtext, in case of emergency lang, you know about the project" sagot nito. "Ah...." sagot ni Jen at binigay niya ang kanyang number.
Araw ng pasko, as usual, my annual party sa bahay nila Jen ngunit nagkukulong siya sa kwarto. Nagmumukmok to be exact. Namimiss na niya si Ariel, naiinis siyang maalala si Michael, malungkot talaga ang kanyang pakiramdam ng may mag text sakaniya "Merry Christmas -Emer" sinagot niya iyon ng simpleng "Merry Christmas too." at doon nagsimula ang kanilang story...
Hi! First time ko po magsulat, kung pwede po mag comment kayo kung nagugustuhan nyo po ang kwentong ito. Salamat!!!