Ilang araw pa ang lumipas at naisipan na ni Jen na maghanap ng bagong trabaho. Lagi na din kasi siya kinukulit ng mama niya, at isa pa mahirap naman talaga kapag wala kang sariling pera. Isang araw ay may nagreply kay Jen sa email, for interview daw siya sa isang magandang kumpanya sa Makati, execuitve assistant ang inaplayan niya.
Dumating na yung araw ng interview niya, naligaw ligaw pa sya para lang mapuntahan ang Ayala. Umabot pa rin naman siya sa tamang oras. Naging maganda ang resulta ng kanyang interview at pinapapasok na siya that week. Nang makauwi ng bahay ay ibinalita niya iyon sa kaniyang parents. Tuwang tuwa ang mga ito sa resulta ng lakad niya.
Unang pasok ni Jen sa trabaho, "maganda ang atmosphere dito" yun agad ang bumangad sa isip niya, bagong simula ito para sa kanya. Naging maganda ang relasyon ni Jen sa mga katrabaho at sa boss niya. Paminsan minsan pa nga ay niyaya siya ng boss niya magkape sa starbucks na nasa baba lamang ng kanilang office.
Tuwing umuuwi siya sa gabi ay ganoon pa rin ang kanyang pakiramdam, parang my kulang pa rin, ngunit my mga pagbabago, nabawasan na ang litrato nila ni Ariel sa kanyang kwarto, sa dami niyon ay nagtira lamang siya ng 3 na pinaka paborito niya. Hindi na din siya gaanong umiiyak, ika nga niya sa sarili "it's time to pick up the pieces Jen, repair what is broken". Naging motivation nya rin si Ariel, dahil alam niya tuwing iiyak siya ay nasasaktan din at hindi niyon gugustuhin na palagi siyang malungkot.
Nagkaroon na din ng maraming kaibigan si Jen sa trabaho at nagsimula na ulit siyang lumabas kasama ang mga kaibigan. May mangilan ngilan na rin na nagpaparamdam sa kanya, ayaw man aminin ni Jen pero nagsimula na din gumaan ang loob niya sa isa sa mga nag aaya sa kanya ng date, at yun ay si Michael.