Nakarating sila sa fort, marami rami din ang tao at nahihirapan sila maghanap ng parking. "Friday kasi ngaun eh" sambit ni Michael na para bang nababasa kung ano man ang nasa isip niya, "oo nga, friday ngaun, gimik day" sagot naman ni Jen. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakakita din sila ng parking.
Naglakad sila patungo sa isang restaurant na paborito daw ni Michael, sinalubong sila ng isang attendant na sinamahan sila sa kanilang mesa, ngtaka siya dahil may mga tao pa na naghihintay para makaupo ngunit sila may mesa na "apparently nag pa reserve ang mokong na ito" nasabi na lamang ni Jen sa sarili. Pagdating nila sa kanilang mesa ay hinila ni Michael ang isang upuan at doon niya pinaupo si Jen. "Napaka gentleman naman nito" naisip ni Jen, at napangiti siya.
Marami silang napagkwentuhan ni Michael over dinner, tungkol sa parents nito at sa trabaho. Dahil likas na pareho silang madaldal nito ay talagang napasarap ang kwentuhan at tawanan nila. Paminsan minsan pa nga ay nag sasalubong ang kanilang mga mata at napapangiti ito sa kaniya. naiilang man si Jen ay napapangiti din siya.
Matapos ang kanilang dinner ay nag aya na si Michael na maglakad, buong akala ni Jen ay uuwi na sila. Naglalakad sila na ang kamay ni Jen ay nakahawak sa isang braso ni Michael, hindi niya alam ngunit iba ang pakiramdam niya, masaya siya. Si Michael naman ay tahimik lamang at parang nakikiramdam. Malayo layo na din ang nalakad nila ng humarap si Michael kay Jen. "do you know where the parking is?" tanong nito sa kanya. "where?" sambit niya. "The parking is at the opposite side Jen" sagot nito kasabay ang pilyong ngiti. "why didn't you tell me!" natatawang sambit niya din dito sabay palo sa braso nito. Hinuli ni Michael ang mga kamay niya at hindi na binitawan pa. "let's walk, gusto pa kita makakwentuhan" sabi nito sa kanya. Hindi maintindihan ni Jen ang kanyang pakiramdam ng mga oras na iyon. Naiisip niya si Ariel ngunit masaya ang pakiramdam niya sa nangyayari. "bahala na!" yun na lamang ang namutawi sa kanyang isip.
Malayo layo ba ang binaybay nila ni Michael, hawak pa rin nito ang kamay niya at panay ang kwento tungkol sa paborito nitong tv series na nagkaton din naman paborito ni Jen. "halos lahat pala ng paborito mo ay paborito ko din" sabi ni Michael sa kanya. "oo nga eh, imagine mo yun!" sagot ni Jen. Naglakad lakad pa sila hanggang marating nila ang dulo ng park sa the fort. Doon naupo si Michael at umupo naman siya sa tabi nito. Marami pa silang napagkwentuhan, at sa bawat topic napapansin ni Jen na palapit nang palapit ang pagkakaupo ni Michael skniya. Namalayan na lamang niya na halos mgkadikit na pala silang 2. Naka akbay na pala si Michael sa kanya, nakasandal na pala siya sa balikat ni Michael, at ang topic na pala nila ay tungkol sa pagpapamilya. Nagulat si Jen ng marealize niya na ganun na ang nangyayari, pero iba ang pakiramdam niya kay Michael, masaya siya, pakiramdam niya ay secured na secured siyang kasama ito. Ilang minuto pa silang nasa ganoong posisyon ng mag aya na si Michael na tumayo.
Napatingin si Jen sa kanyang relo "hala! 1:30am na pala!" sambit niya at dali dali niyang tiningnan ang kanyang cellphone, ngtext na pala ang kanyang mommy, nagtatanong na kung anong oras siya uuwi. "uwi na ba tayo?" tanong sa kanya ni Michael. "oo please, ng aalala na mom ko eh" sagot niya dito. Nagsisimula na silang bumalik ng parking nang tumigil si Michael, napatingin si Jen dito. Bigla na lamang tinanggal ni Michael ang salamin niya, kapag wala ito hindi na niya makikita ang daan, near sighted lang siya. Pagkatapos tanggalin ni Michael ang kaniyang salamin ay unti unting lumapit ang mukha nito, pakiram ni Jen ay hahalikan siya ni Michael, napapikit na lamang siya. Lumagpas ang mga labi ni Michael sa mukha niya at bumulong ito, "mas maganda ka ng wala kang salamin" sabi nito sa kanya. Napamulat sila at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. "pano yan kapag wala akong salamin hindi ko makikita ang daan" sabi niya dito. "eh di hawakan mo ang braso ko" sagot nito sa kanya.
Nakarating sila ng parking na nakahawak siya sa braso ni Michael, pinagbuksan pa siya nito ng kotse at sinigurado na nakaupo siya ng maayos. Pakiramdam ni Jen ay para siyang nasa telanovela at si Michael ang kanyang leading man, nakakakilig ang pagiging gentleman nito. Nagsimula nang umandar ang kotse ng may marinig si Jen na kakaibang tunog. "ano yun tunog na yun?" tanong ni Jen kay Michael. "it means you should wear your seatbelt" sagot nito sa kanya. Hindi pa nga siya nakakagalaw para kunin ang seatbelt ay itinigil na ni Michael ang kotse nito sa isang tabi at dumukwang sa harap niya, inabot niyon ang seatbelt at ito mismo ang ng fasten niyon sa upuan niya. "there you go" sambit nito sa kanya sabay ngiti. "thank you" yun lamang ang nasambit niya dito. Pakiramdam noon ni Jen ay mahihimatay na siya sa kilig, super gentleman naman talaga ni Michael.
Habang binabagtas nila ang daan pauwi kila Jen ay panay ang sulyap ni Michael sa kanya. maya maya ay inabot nito ang kamay niya at hinawakan na lamang iyon hanggang makarating sila sa bahay ni Jen. "thank you Michael, i had a wonderful night" sabi ni Jen dito. "same here Jen, next time ulit" sagot ni Michael. Hinintay pa ni Jen na makaalis ito bago siya tuluyang pumasok ng bahay. Masayang masaya siya ng gabing iyon, first time na hindi na niya kinausap ang picture ni Ariel nang makapasok siya sa kwarto at bago siya tuluyang makatulog naisip niya, "am going to start over again" at nakatulog siya ng may ngiti sa labi.