Dumaan ang mga araw at naging mas close pa sila Michael at Jen, wala man pormal na usapan tungkol sa kanilang mga nararamdaman, ang akto nila ay parang mag nobyo at nobya. Hindi man namumutawi ang mga salitang "i love you" sa kanilang mga labi ay may intindihan na sila, ika nga ng iba ay MU (Mutual Understanding). Madalas din sila mag ka text.
Isang sabado ay nakatanggap si Jen ng text "Jen, may gagawin ka ba tonight?" tanong ni Michael sa kanya, "wala naman, bakit?" sagot ni Jen. "Labas naman tayo, weekend naman eh" ani Michael. "Cge san ba tayo pupunta?" sagot naman ni Jen, "sa MOA lang, okay lang ba sayo? andito pa kasi ako sa site malapit lang, sunduin na lang kita sa may Taft" text uli ni Michael sa kanya. Nagdecide si Jen na pumunta, tutal weekend nga naman at ilang araw na din silang hindi nagkikita ni Michael, pakiwari niya ay sobrang na miss niya ito, kahit na nga ba madalas ang chat nila sa fb at text sa gabi parang kulang pa rin.
Naisip ni Jen dahil sa MOA lang naman sila pupunta ay mag casual na lamang siya. Si Jen kasi yun tipo ng tao na kapag weekend at no work, ayaw niya ng masyadong pormal na damit, mas komporatable siya sa pantalon at t-shirt. Umalis si Jen ng naka shorts at blouse, tingin naman niya ay maganda na siya sa ganoong attire, tutal naman sa mall lang sila pupunta, nagtext pa siya kay Michael kung ano ang susuotin nya at ng okay naman ito sa kanya. Malapit na sa Taft si Jen nang mag text siya kay Michael "malapit na ko sa taft" sumagot si naman ito "take a cab then tell the cab driver sa Sofitel ka dalhin, nagpa reserve ako ng table sa isang restaurant, andito na ako, hintayin kita" sa text na ito nagsimulang uminit ang ulo ni Jen, "sa SOFITEL!!! WHAT THE HELL!!! naka shorts ako!!!' yan ang ngregister sa kaniyang utak. Hindi naman baguhan kay Jen ang magpunta sa magagarang hotel lalo na nga at may kaya naman ang kaniyang pamilya. Naiinis siya na hindi man lang nagpasintabi si Michael at sinabi na sa hotel pala sila kakain, ni hindi akma ang suot niya sa pupuntahan nilang lugar, kahit naman siguro sinong tao na may matinong pag iisip ay maiinis.
Nakarating na siya sa hotel at doon na nga niya tinawagan si Michael, "andito na ko" sabi niya dito, "lakad ka sa loob, you will pass by the bar and then go outside, am waiting sa isa sa mga table basta lakad ka lang ng diretso" sabi nito sa kaniya. Dahil dito lalong naghimutok sa galit si Jen, pakiramdam niya ay para siyang pinaglalaruan ni Michael. Naalala tuloy niya ang dating nobyong si Ariel, "buti pa yun, sinasabi lagi kung san kami pupunta para makapag prepare naman ako" sa isip isip niya. Dumating siya sa table at nakita niya si Michael, pakiwara niya sa pagkakangiti nito ay sobrang saya nito, hawak ang isang camera na mukhang bagong bili, itinutok nito ang lente sa kanya at akmang kukuhanan siya. "stop it!" sambit ni Jen na hindi na maitago ang inis. Tiningnan siya ni Michael nang my halong pagtataka. "Michael please, tingnan mo naman ako, ang pawis pawis ko kaya!" naiinis na turing niya dito. Hindi niya maisip kung bakit di niya masabi na asar na asar siya na di nito sinabi na doon sila kakain.
Pagkaraan ng ilang minuto ay may lumapit na waitress at kinuha na ang kanilang order, halata namang nagpapa cute ito kay Michael dahil kahit siya na ang nagsasalita para sa kaniyang order ay nakatingin pa rin ito doon. "You seemed too quite today Jen" komento ni Michael. "Nothing, just not in the mood" aniya. "You seemed cheerful before you got here" sagot nito. "arrrrgggghhh.... ano ba ang gustong malaman ng mokong na to!" naiinis na isip niya. "I was! before you told me to go here and make this surprise. I am wearing shorts Michael!" sagot niya dito. "Ayan! ayan! nasabi ko na din!" sa isip isip niya. "I don't mind, actually you look cute" turan nito sa kaniya. "hai! naman! naman! hindi niya na gets!!!! arrrrghhhh.." sa isip ni Jen, lalo lamang siyang nainis dito.
Natapos ang kanilang dinner ng walang ka gana gana ang kanilang usapan. Hindi na nga maisip ni Jen kung paano sila nag tagal ng ilang oras na halos hindi siya nagsalita. Binabagtas na nila ang daan pauwi nang itabi ni Michael ang kanyang kotse. "Hey, are you still mad at me?" tanong nito sa kanya. "take me home Michael" sagot niya dito. "Galit ka pa eh!" sambit nito habang inilalapit ang mukha sa kanya. "ay! ang kulit naman eh!" sagot naman niya na napaatras sa kinauupuan, habang si Michael naman ay lalong inilalapit ang mukha sa kanya, naramdaman na lamang niya na nakasandal na pala ang likod niya sa pintuan ng passengers' seat ng kotse nito, wala na siyang maaatrasan. Malapit na malapit na ang mukha ni Michael sa kanya "Jen, am so sorry, bati na tayo please?" sabi nito, wala siyang nagawa kung hindi tumango, hindi niya alam kung anong nangyayari pero gusto niyang halikan si Michael. Lumapit pa ang mukha nito sa kanya at akmang hahalikan siya ng my kumatok sa bintana ng kotse, heavily tinted iyon kaya di kita ang nangyayari sa loob. Napaatras si Michael at binuksan ng bahagya ang bintana. "Sir, bawal po mag park dito" sabi ng isang batang lalaki na bantay yata ng tindahan kung saan sila naka park. "hai... malapit na yun eh!" naisip na lamang ni Jen.
Iniuwi siya ni Michael sa kaniyang bahay, ang hindi niya alam, yun na pala ang huli nilang pagkikita.