January 1 na, natapos na ang christmas at new year, medyo malungkot pa rin ang aura ni Jen, biglang tumunog nag phone nya. "Happy New Year" text sa kanya ni Emer. "aba naman! at ngtext nanaman siya!" ani Jen, di maitago ang ngiti nya sa mga labi. Iba ang pakiramdam kapag ngtetext si Emer sa kanya. Hindi rin talaga maintindihan ni Jen pero parang ang gaan ng pakiramdam niya kay Emer.
Lumipas ang mga araw, natapos na yung series of meetings nila sa agency nila Emer pero patuloy pa rin tumatawag ito sa kanya. Nun minsan tumawag ito sa kanya "hello, good afternoon, how may i help you?" ani Jen nang sagutin nya ang telepono. "Hi Jen" boses pa lang alam na niya na si Emer iyon. Napangiti sya, "hi!" masigla niyang bati, "anong maitutulong ko sayo?" "wala naman" sagot ni Emer. "may gagawin ka ba this weekend?" "bakit?" tanong ni Jen. "wala naitanong ko lang" sagot uli nito. "Hindi nga?" tanong ulit ni Jen. "gusto lang sana kita ayain sa labas, o kaya sabayan kita umuwi ngayon, friday naman" sabi nito sa kanya. Parang hindi maintidihan ni Jen ang kanyang pakiramdam, pero natutuwa siya sa nangyayari. "Hmmmm.. sige! pwede mo ako sabayan umuwi ngayon, kaya lang 6pm pa ang out ko" sabi ni Jen dito. "okay lang, hintayin kita sa may fountain" masayang tugon ni Emer.
Hindi na mapakali si Jen, para bang gusto na niyang hilain ang oras ng mag 6pm na para mgkita na sila ni Emer.
Jen's POV
Naku, excited na ko, ano kayang itsura nun, hmmm.. sana gawapo! kilig na kilig na turan ni Jen.
Hay.. malapit na ang 6pm, 10 minutes na lang!!! excited na ko makita si Emer.
Sana lang magustuhan niya ko. sabi ulit nya sa sarili.