Isang buwan na ang lumipas ngunit parang wala pa rin direksyon ang buhay ni Jen. Natatakot na nga ang kanyang mommy dahil ayaw na niyang lumabas ng bahay. Wala siyang kinakausap, madalas ay nakatutok sa laptop at bigla na lang iiyak. Pati sa pagtulog ay kinailangan ni Jen ng kasama. Kung dati ay doon siya natutulog sa sarili niyang kwarto, ngaun ay lagi na siyang katabi ng kanyang mama sa kwarto nito.
Pakiramdam ni Jen, sa pagkamatay ni Ariel ay parang namatay na rin siya, hindi pa rin niya matanggap na sa isang iglap lamang ay wala na ang pinakamamahal. Minsan na naiwan si Jen sa bahay ay pumasok siya sa kanyang kwarto, doon nakabungad ang marami nilang litrato ni Ariel. Bawat sulok ng kanyang kwarto ay may makikita kang frame na my picture nila. Sa bookshelf nya, sa study table, sa working table nya, pati sa pader ng kanyang kwarto ay andun ang marami nilang litrato kasabay ng marami ding alaala. "Madaya ka" yan ang namutawi sa kaniyang labi ng makita ang mga larawang iyon. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya. "Madaya ka, akala ko ba walang iwanan?" mga salitang namutawi sa kaniyang labi habang hinahaplos ang isa sa mga picture nila na naka frame. "Mahal na mahal kita Ariel, bakit ganun? bakit mo ako iniwan? pwede bang isama mo na lang ako?" ubod ng desperado na sambit ni Jen. Hindi na niya namalayan na nakaluhod na siya sa carpet at tuloy tuloy na ang kanyang pag iyak.
Mahal na mahal niya si Ariel, sobrang mahal na parang hindi niya kaya ng wala ito sa tabi niya. Naiisip pa rin niya na baka panaginip lang lahat nang nangyari, na baka isang araw ay pwede pa siyang magising. Ipinagdadasal niya na isa lamang itong mahabang panaginip. Ngunit sa likod ng mga dasal na iyon ni Jen, alam niya na kahit kailan ay hindi na babalik ang pinakamamahal na nobyo.
Lumipas pa ang maraming araw ngunit ganun pa rin si Jen, walan ipinagbago. Nag aalala na ang kanyang parents. Naisipan ng mga ito na ipadala siya sa Singapore, doon meron siyang nakatatandang kapatid na pwede niyang tuluyan. Sabi nga ng kanyang mama, baka sakaling bumalik ang dating Jen kapag naiba naman ang lugar. Atleast daw doon iba na ang environment at wala nang masyadong alaala ni Ariel.
Halos 2 linggo na si Jen sa Singapore pero pakiramdam niya walang ipinagbago. Gabi gabi naglalakad siya sa malapit na park, uupo sa madilim na sulok at iiyak. Minsan naman magsasalita mag isa, parang my kinakausap. Sa umaga makikipaglaro siya sa mga pamangkin, ngunit tuwing sasapit ang gabi ganun ang ginagawa niya. Naging daily routine na niya iyon.
Halos araw araw pa rin niyang naaalala si Ariel, araw araw din na tinitingnan niya ang mga litrato nila sa facebook. Araw araw din na naiisip niya na sana noon pa niya pinakasalan si Ariel. Naisip ni Jen na ayaw na niyang maghanap ng iba pa, si Ariel na ang una at ang huli niyang pag ibig. 4 na taon silang naging magkaibigan ni Ariel bago niya ito naging nobyo. Bale 8 taon silang magkasama, at para kay Jen "8 years is 8 years, it's hard enough not to ignore that you have lost someone you have been with for 8 years" yan ang madalas na sabihin niya sa mga kaibigan niya.
Lumipas pa ang 2 linggo at nakatakda na siyang umuwi ng Pilipinas. Ito na ang araw na kanyang pinakahihintay, ang makauwi na. Sinundo siya ng kanyang mama sa airport at pagdating ng bahay, dumiretso na si Jen sa kwarto, doon ay nakita nanaman niya ang madami nilang litrato ni Ariel, nakatulugan niya ang pag iyak ng gabing iyon.