Prologue:

56 2 0
                                        

"Sana masaktan ka din para malaman mo kung ano ang pakiramdam ng masaktan", ang linyang tumatak sakin mula sa kaibigan ko na kakatapos lang magdrama noong mga araw na yun.Sa totoo lang naniniwala naman ako na kakambal talaga ng pagmamahal ang masaktan. True love hurts nga di ba ika nila. Maraming uri ng sakit ang pwedeng maramdaman kapag nagmahal ka. Nandyan yung sakit dahil iniwan ka ng taong mahal mo at ipinagpalit sa iba. Kalimitan ganyan yung madalas na mangyare sa isang relasyon.Sabi nga nila kelangan mo munang masaktan bago mo mahanap ang totoong magbibigay sayo ng wagas na pag-ibig. Corny man sa pandinig ng iba, aminin man natin o hindi, pero yun naman talaga ang kalimitang nangyayare. Paano mo nga naman daw malalaman na sya na si Right one kung hindi mo ma-e-experience si Wrong one. Kaya nga h'wag ka daw matakot magmahal kasi may nakalaan naman talaga para sayo.

     Pero meron rin namang sakit na dulot ng mga bagay-bagay na inakala, inaakala o aakalain mo na posibleng matupad sa realidad. Yung tipong hanggang nakaw tingin ka lang at tamang paghanga lang, minsan pa nga sukdulan na. Ganito naman ang mga drama ng mga taong lihim na nagmamahal sa mga taong alam nilang hindi masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay nila.

     Para sakin ito ang pinakamasakit sa lahat, siguro dahil isa rin ako sa mga taong nararanasan ito ngayon…

     “Nakita ko na ulit sya..”

     Dug..dug..dug..

Hindi maipaliwanag na pintig at tibok ng puso.

Pabilis na pabilis na tibok at palakas nang palakas ang tunog.

Parang tambol na patuloy na tumugtugtog

     Masakit magmahal ng taong alam mo sa sarili mong binabalewala ka lang…

One Lucky StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon