(Classroom)
“Shit!” napatingin kaming lahat kay Chester, minsan lang yan magsabi ng ganyan, naku! Mukha atang badtrip ang isang to.
“Chester , may problema ka ba?” tanong nung isa kong kaklase
“Badtrip! Pare may extra ballpen ka ba?” tanong ni Chester na halata namang hindi na maipinta ang mukha
“Eto pare oh, don’t tell me nawalan ka na naman ng gamit?” sabay kuha ni Chester ng ballpen
“Ano pa nga ba?!” yamot na tugon nito
“Grabe! Pang-ilang gamit mo na yang nawawala?”
“Chester, mag-ingat ingat ka na, lakas tama nung stalker mo” pang-aasar sa kanya nung iba naming kaklase
“Stalker?!” naguguluhang tanong niya
“Oo stalker, eh ikaw lang naman nawawalan ng gamit dito, I’m sure patay na patay sayo yun”
“Tss! Kung tama nga hinala mo, naku! Pag nalaman ko talaga kung sino yun ,humanda sya sakin!” seryosong sabi ni Chester
“haha! Sige lang Chester hanapin mo si Ms. Stalker/ Ms. Wanted ng buhay mo” sabay tawa nung mga kaklase ko..
Ampupu! Lamig na lamig na ako ngayon, malapit lang kasi sila sakin at syempre rinig na rinig ko yung sinabi ni Chester my loves! Patay na! Shete! Katapusan ko na…..
Wrong timing, hindi ko sya makakausap ngayon, hihingi pa naman sana ako ng tawad dahil sa nangyare sa game.
Naku Akeisha, kumausap ka na ng kahit sinong taong Monster wag lang si Badtrip na si CHESTER!
Chapter 3.1- Love Hurts
“Ano naman nginingiti-ngiti mo dyan?!” tanong ni Nadine sakin habang kumakain ng kanyang paboritong kwek-kwek, breaktime namin ngayon
“Eh kasi naman couz, natutuwa ako kay Crushmate” (codename ko kay Chester)
“Bakit naman? Ano namang ginawa sayo nun?”
“Hina-hunt nya ako!” napansin ko namang nanlaki yung mata ni Nadine
“Huh? At natutuwa ka pa? Panu kung mahuli??”
“Sus! Hindi nya ako mahuhuli, magaling ata ang pinsan mo tsaka isipin mo, magiging hunter ko sya” pagbibiro ko sabay batok naman sakin nito
“Aray! Masakit yun ah..” at gumanti naman ako
“Aray! Masakit din yun ah, gusto mo nang…..” bigla na namang nahinto ang usapan dahil sa narinig namin mula sa katabi naming mga estudyante
“Ayy grabe no, magkasama na naman sila! Bagay na bagay na talaga”
“Oo nga, sila na ba? Kinikilig naman ako..ehhhh!”
“Parang silang mga anghel, perfect match!”
Ayan na naman sila, ang mga fans ng loveteam nina Chester at Chanel. At oo magkasama na naman silang dalawa kaya naman tuwang-tuwa ang madlang people samantalang ako pigil na pigil sa sarili, kasi any moment pwede nang pumatak ang luha ko.. Drama ko ba?!
Sus, ano pa bang laban ko eh ultimong mga tao sa paligid ko pilit hinahadlangan ang pangarap ko.
“Couz, iiyak mo na yan!” sabay lapit sakin ni Nadine
“Ano ka ba?! Okay lang ako no, masaya ako kasi alam kong masaya sya” –
“Martyr ka talaga, ganyan mo ba sya kamahal? Alam mo madami namang iba dyan na mas nararapat sayo”
Natahimik ako sandali sa sinabi nya…
“Huy! Okay lang” tanong sakin ni Nadine
“Huh?! Ah oo naman! Nasan na nga ba tayo sa usapan?! Ah ayun tanda ko na,couz tinamaan na nga ata talaga ako sa taong yun” seryosong sabi ko sa kanya
“Is is real? Is it real?! Tsk! Ang talinong mong tao pero ang bobo mo sa pag-ibig,grabe ka, naiiyak tuloy ako sayo” pagbibiro nya
“Baliw ka talaga!”
“Ang sakin lang Akeisha, kung totoo man o hindi yang feelings mo sa kanya, please lang,utang na loob, wag laging sya ha.. Isipin mo rin naman yung happiness mo. Ilang taon ka na nga bang nagpapantasya dun?Ilang taon ka na nga bang nagtitiis na itago yang nasa loob mo? Ilang taon ka na nga bang lumalapit sakin na umiiyak dahil nalaman mong may girlfriend o may nililigawan yun? At ilang taon ka na rin bang nasasaktan lalo na pag nakikita mong kasama nya si Chanel? Tulad nang sinabi ko kanina, may mas nararapat sayo. Piliin mo yung taong pinapangarap ka, hindi yung taong pinapangarap mo”
“Nadine…” tuluyan na akong napaiyak, agad naman nya akong niyakap
“Sige lang umiyak ka na at sana lang talaga maubos na yang luha mo para wala ka nang maiiyak sa susunod”
Bumitiw ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya “Salamat ah”
“Che! Wala yun, sino pa nga bang magdadamayan edi tayo-tayo lang.. kaya stop na! Tumahan ka na”
“Ah… you’re so sweet talaga.. pa-hug nga ulet!”
“Ewww! Ayoko nga, mahawa pa ako ng kamartiran mo..hahaha!”
“Hmp! Bad ka talaga..di na kita bati” sabay pout ko
“Sus! O eto na hug mo”
Buti na lang talaga may isang Nadine Dela Fuente sa buhay ko. Ang aking magandang pinsan/sisterette/bestfriend/katropa/katrip..haha! Di ko talaga alam ang gagawin pag wala to sa tabi ko kaya wag na wag ka muna mag-aasawa ha, kelangan pa kita..hahaha!
BINABASA MO ANG
One Lucky Stalker
Teen FictionIT"S A FICTION STORY!!! Ang kwento na para sa mga taong lihim na nagmamahal at umaasa na sana balang araw ay mapansin rin sila ng taong pinapangarap nila. Dahil sa totoo lang masakit magmahal ng taong alam mong binabalewala ka lang...