At litung-litong ang utak ko pagkapasok ko sa kwarto ko! Tumingin ako sa bawat sulok ng silid ko. Nakanang! Puro pictures, pangalan, at kung anu-anong gamit nya ang nakikita ko sa bawat anggulo nito.. Panu ba naman ako hindi kakabahan, konting maling galaw, patay na akoooooooo!
“Naku! Naku! Akeisha.. maghulos dili ka nga! Wag kang kakabahan.. Kelangan mo lang doblehin..hindi..triplihin..hindi..kelangan ko lang gawing milyong-milyong ingat ang bawat galaw ko”
Ganon na nga ang ginawa ko, inumpisahan ko sa iilang pictures na nakadikit sa itaas na bahagi ng kama ko, sinunod ko yung mga pangalan nya na ako mismo yung nag-lettering.. tanggal-tanggal din sabay lagay sa aking magic kahon.. Kyaaaaa! Mamimiss ko kayo..
Nababaliw na ako..haha! Mamimiss eh, yung mismong tao nga eh eto kasama ko sa iisang bahay..
“Ow tadhana at kupido, masyado naman ata kayong naawa sakin, bakit naman ginawa nyo kaming housemates?!”
Nang matapos na ako sa pag-aayos ng aking kwarto, umupo muna ako sandali sa aking kama at nagpahinga nang bahagya! Kapagod kaya..haha!
Tok.tok.tok…
“Bukas yan!” unconsciously kong nasabi
Waaaahhhhhhhhhhh!
“Anong nangyare sayo?” pagtataka nya.. Nag-ala ninja kid kasi ako para lang makapunta at masarhan agad yung pinto..
“Huh?! Wa---wala.. magulo kasi kwarto ko, eh nakakahiya naman sayo kung makikita mo”
“Bumaba ka na daw, kakain na” seryoso ang tono nya habang sinasabi to, para bang nag-uutos sa isang batang kapatid
“Ah ganon ba..sige! Sala---“ hindi man lang ako pinatapos magsalita.. Iniwan ako ng lolo nyo.. Suplado! Sungit! Manhiddddddd!!!!
Kyaaaaa! Muntik na ako dun, oo nga’t nag-ayos ako ng gamit eh syempre hindi ko mapigilan ang sarili ko, may iilan pa rin akong iniwang nakadikit dun..
Sa paraang yun ko na nga lang, mapapanatiling nasa tabi ko sya palagi kaya pagbigyan nyo na ako madlang people!!! :]
BINABASA MO ANG
One Lucky Stalker
Teen FictionIT"S A FICTION STORY!!! Ang kwento na para sa mga taong lihim na nagmamahal at umaasa na sana balang araw ay mapansin rin sila ng taong pinapangarap nila. Dahil sa totoo lang masakit magmahal ng taong alam mong binabalewala ka lang...