Chapter 8

14 0 0
                                    

“Akeisha, sorry hindi na naman kita masaabayan pag-uwi ngayon, may meeting na naman kasi kami eh” sabi ni Nadine na halata namang nag-aalala sakin

“Baliw ka talaga couz, malaki na ako kayang-kaya ko nang umuwi mag-isa..”

“Eh iniisip ko lang kasi baka mamaya magsuicide ka na dyan?!”

“Chararat ka! Okay na ako..” ayy oo nga pala, hindi pa pala alam ni couz na sa bahay na namin nakatira si Chester, sasabihin ko ba?! Naku wag na nga, bahala na syang magulat.

(Park)

Tinamad akong umuwi agad kaya naman binalak ko na lang tumambay dito sa park. Wala lang baka kasi mabaliw na naman ako sa bahay namin tapos magsayaw na naman ako tapos makita na naman nya ako… ehhhhh! Naalala ko na naman yung eksenang yun, Nakakahiya talaga >_<

Tumingin ako sa paligid.. aba nga naman, parang nirentahan ko lang tong park na to. Medyo makulimlim din kasi kaya siguro natakot silang lumagi dito sa parke. Yay! Tamang-tama… makakapag-emo ako nang ayos dito..

OHMYGULAY naman! Ang sabi ko mag-e-emote ako, hindi ko sinabing magpapakabasa ako sa ulan.. Shemay! Bakit ngayon ka pa bumuhos! Dali! Dali! Buksan ang bag at kunin si mahiwagang payong na ayaw kung gamitin pag umuulan kasi ayokong mabasa.

“Krampot! Nasan na payong ko? Hindi ko naman inalis sa bag yun ah!”

Hinalungkat ko nang hinalungkat ang loob ng bag ko, basa na rin ako, pano ba naman sa ilalim lang ako ng malaking puno tumambay!

“Hay naku! Tutal basa na rin naman ako, magpapakabasa na nga lang ako nang tuluyan!”

At ayun na nga ang ginawa ko, umalis ako sa ilalim ng puno at nagtatakbo habang dinadama ko ang malakas na buhos ng ulan..

Nang bigla akong may naalala….

Naligo rin ako dati sa ulan…

Kasama SYA!

Mga bata pa kami nun, at ewan ko kung anong pumasok sa kokote nya at niyaya nya ako maligo sa ulan. Feeling ko parang superclose kami nung time na yun.. first time nyang nakipaglaro at nakipagtawanan sakin at matapos nun ay naging buddy kami pero ewan, bigla na lang naglaho ang closeness naming dalawa. Bigla na lang syang lumayo sakin.

Buti na lang umuulan kaya okay lang kahit umiyak ako dito.. Walang makakapansin ng luha ko, walang makakaalam na umiiyak at nasasaktan ako ngayon….

“GUSTO KITA PERO ALAM KONG MALI… MAHAL KITA PERO ALAM KONG HINDI DAPAT…

KAKALIMUTAN NA KITA…. ALAM KONG TAMA AT ALAM KONG DAPAT  PERO BAKIT HANGGANG NGAYON HINDI KO PARIN MAGAWA!!!”

Mukha akong shonga dito na nagsisigaw… alam ko namang walang makakarinig..kaya ayos lang kahit mukha akong may megaphone ngayon.. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Lucky StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon