After ng klase namin deretso uwi na ako, wala rin naman akong mapapala sa school eh, hindi ko rin naman makakasama si Nadine kasi may meeting sila nung club nya sa school.. so ano pang gagawin ko edi umuwi na lang kesa makita may makita pa akong di kaaya-aya.. HMP!
(Sa Bahay)
Pagdating ko sa bahay, mukhang walang tao. Saan na naman kaya nagpunta si Mama. Haay! Makapakinig na nga lang ng music!
Now Playing: Booty Shake
Depressed ako kaya magwawala ako.Pampaalis ko kasi talaga ng stress tong music na to.. Gimme’ Gimme..
So ayun! Wala akong ginawa kundi paulit-ulitin lang yung tugtog at sumayaw lang nang sumayaw, nakauniform pa talaga ako nyan! Hahaha..
Narinig kong may nagbukas ng pinto, siguro si Mama na yun pero wala talagang makakapigil sa pagwawala ko ngayon, tuloy pa rin ako sa pagsasayaw ng booty shake!
“Ma, ikaw na ba yan?” tanong ko nang hindi lumilingon sa likod.. busy ako sa pagsasayaw eh
“Halika Ma, join ka sa pagsasa (lingon sa likod)
Waaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!
Takbo..takbo..takbo…
Tago..tago..tago sa likod ng sofa..
“hahahhahahahahhaHahahahah”---- si Mama yan, utas na kakatawa! Akala ko ba nanay kita?! :[
Shemay! Bakit sya nandito?! Bakit sya kasama ni Mama???Sa dami-daming pwedeng may makakita bakit sya pa… Kyaaaaaaaa!
“Hoy! Hahaha..Akeisha..luma---bas..hahaha..ka na nga dyan?”
“Ehhh! Mama! Nahihiya po ako!” mahina kong tugon
“Ano ba?! Galing mo kayang magsayaw anak..hahahah” pang-aasar ni Mama
“MA! Tama ka na nga sa kakatawa mo”
“Okay! Okay! Lumabas ka na at nandito si Chester”
Siguro naman may idea na kayo kanina kung sino kasama ni Mama.. syempre naman hindi ako mahihiya ng ganito kung ibang tao yung nakakita.. Waaaahh!
“Labas ka na nga dyan”
Dahan-dahan na nga akong lumabas.. pero nakatungo pa rin ang ulo ko, nahihiya pa rin kaya ako…
Napatingin ako kay Chester… Kyaaaa! Halatang nagpipigil ng tawa tong isang to.. Anebeyen! Nakakahiya talaga..
“Uy Akeisha! Simula ngayon magiging malinis ka na dito sa bahay.. kasi simula din ngayon dito na muna mag-i-stay si Chester”
O__O loading…..loading…..loading……
Andami pang sinasabi ni Mama pero wala akong maintindihan, nawiwindang pa rin ako hanggang ngayon… sa bahay namin titira si Chester! OHMYSUPERG!
“Huy! Nakikinig ka na ba??”
“Ha—huh? Ma ano po ulit yun?!” napataas naman ng kilay si Mama
“Ang sabi ko matatagalan pa ang pag-i-stay dito ni Chester kasi matatagalan pa bago matapos yung renovation ng bahay nila”
“Nasan po si Tita?”
“Umalis na papuntang Australia ang Mama ni Chester, kelangan kasi ng tulong ng daddy nya para dun sa business nila dun, eh dalawa lang naman tayo dito kaya nagsuggest ako na dumito na lang muna siya..”
Kaya pala ang dami nilang dalang gamit at bag. ...
Halah! Katapusan ko na!!! Wooh..nagkalat pa naman sa kwarto ko ang mga gamit nya pati pictures.. Waaaaah! Kill me NOW!
Kelanagn ko ng todo-todong ingat ngayon!!! :[
BINABASA MO ANG
One Lucky Stalker
Teen FictionIT"S A FICTION STORY!!! Ang kwento na para sa mga taong lihim na nagmamahal at umaasa na sana balang araw ay mapansin rin sila ng taong pinapangarap nila. Dahil sa totoo lang masakit magmahal ng taong alam mong binabalewala ka lang...
