“Perfect! Nadagdagan na naman collection ko” sabay lagay ko sa aking magic kahon
“Kaninong ballpen yan? Don’t tell me ninakaw mo na naman yan?” pagtataray na naman sakin ng pinsan kong si Nadine
“FYI! I’m not a thief!”
“Eh anong tawag dyan sa ginagawa mo?” at kinuha nya yung kahon ko
“This is Love!” ang sabi ko habang nakataas ang mga kamay na parang nag=iimagine lang
“Oy! Akeisha, tigilan mo na nga yang kawerduhan mo!”
“A-YO-KO!” sabay bawi ko sa kahon
“Bakit ganyan ka ba ka-obsess sa lalaking yun?!”
“May pangalan sya!” sabay taas ko ng kilay
“Fine! Bakit po obsess na obsess kayo kay Chester Andrew Lopez?”
“Sino ba namang hindi maiinlove sa kanya? The cutest and the hottest guy on earth, team captain, talented, at syempre mukha pa lang ulam na”
“Tss! Iba na lang, madami ka nang kaagaw dun”
“Alam ko naman yun couz, kaya nga stalker na lang ako for life… di naman ako magugustuhan nun, di nya type yung mga ordinary girl na tulad ko”
Ordinary girl lang kasi talaga ako,simple lang, walang karate-arte sa katawan. Medyo sikat daw sa school, top student kasi ako ng batch namin at yun lang yun, 3rd yr. high school nga lang pala ako. Physically, morena ako, hindi maliit pero hindi rin naman matangkad, medyo mahaba at black ang hair ko, pero sabi nila ang una daw talagang napapansin sa mukha ko ay yung ilong ko, maliit at pointed kasi ang ilong ko, minana ko yan sa Papa ko. May isa pa palang reason kung bakit medyo kilala ako sa school,friendly kasi ako, bestfriend daw ng lahat.Haha! Wala daw kasing dull moments pag ako ang kasama nila, very enervon girl lang. HAha
“Huy! Tama na nga emote mo dyan, maganda ka okay!” at hinila na nya ako palabas ng kwarto
Shete! Kaka-emote ko, muntik ko nang kalimutan na may pasok nga pala kami ngayon. Buti na lang medyo malapit lang, isang jeep at eight pesos na pamasahe, solve ka na, makakarating ka na sa campus namin..
(School)
“Nadine, mauna ka na sa room, may dadaanan pa ako sa locker ko”
“Locker mo o locker ni Ches…” bigla ko namang tinakpan yung bibig nya
“Wag ka nga masyado maingay, baka may makarinig sayo” sabi ko nang hindi pa rin tinatanggal ang kamay ko sa bibig nya
“Sorry! Sige na, punta na ako sa room” agad ko naman syang tinulak palayo, buti na lang talaga, walang nakarinig sa kanya.Muntik na ako dun, wala pa namang nakakaalam ng pagpapantasya ko dun.
Nagpunta na nga ako sa locker ko, binuksan ko na nga ito at kinuha yung dapat kukunin ko.Balak ko na sanang i-close ito pero nafeel ko na may tao sa right side ko. Shemay! Ewan ko ba pero kinabahan ako bigla! Oo nga pala magkatabi nga pala ang locker naming dalawa, pinili ko tong locker number na to dahil favorite number ko at laking gulat ko nang malamang katabi pala ng locker ko ang locker nya pero sa kabilang banda, natuwa rin naman ako dahil tadhana na ang gumawa ng paraan para mas mapalapit ako sa kanya kahit papano.
Balik sa realidad, heto na nga at sa sobrang kaba ko, mabilis kong sinarhan yung locker ko at waaaaaahhhh! Sya nga yung nasa right side ko….
Parang naging tuod ako bigla na tipong hindi makagalaw sa kinatatayuan. Alam kong masyadong OA ang pagde-describe nang nararamdaman ko ngayon pero sa maniwala kayo at sa hindi, ganon talaga ang hitsura ko ngayon.
Bakit? Dahil ngayon ko lang syang natitigan nang sobrang tagal.
“Ayos ka lang?!” tanong nya, nagtataka siguro sya sakin ngayon
“Ha---huh?! Ah o—ok-okay lang” mautal-utal kong tugon sa kanya
“Are you sick?!” tanong nya ulit pero naiwang nakabuka lang yung bibig ko. Wala naman akong sakit pero napipi naman ata ako ngayon.
Pero mas lalo akong napipi nung bigla nyang hipuin ang noo pati na ang leeg ko.
“Parang namumutla ka?!” sabi nya pero hindi parin ako nakaimik, nagulat kasi ako sa ginawa nya… OHMYG! Totoo ba to?! Baka naman nagde-daydream lang ako, kinakausap ba nya talaga ako?! Shemay! Kung panaginip to, utang na loob h’wag nyo na akong gisingin..
“Pumunta ka sa clinic!” kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya
“BAkit?!”
“Mukhang di ka okay” magsasalita na dapat ako kaya lang iniwan na nya ako….pero ayos lang, at least kahit papano, nag-aalala rin pala sya sa isang tulad ko.

BINABASA MO ANG
One Lucky Stalker
Fiksi RemajaIT"S A FICTION STORY!!! Ang kwento na para sa mga taong lihim na nagmamahal at umaasa na sana balang araw ay mapansin rin sila ng taong pinapangarap nila. Dahil sa totoo lang masakit magmahal ng taong alam mong binabalewala ka lang...