“Go Chester!”
“L-o-V-e Chester!”
“Ahhhhhhh! We love you Chester”
Grabe! Naiirita na ako sa mga babaitang to pati na rin sa mga flirty mouths nila. NAndito sa gym yung buong batch namin at todo support kay Chester, diba nga team captain sya ng basketball team ng school, may laban sila ngayon. Ang alam ko matindi daw tong kalaban nila ngayon, matinding ka-kompetensya ng school namin kaya ramdam na ramdam ko talaga yung tension sa laro nila.
“Chanel,i-cheer mo naman si Chester” sabi nung isa
“Oo nga, diba nililigawan ka nya?!” tanong naman nung isa
“Hmm..sige na nga! Go Chester..kaya mo yan!” at nahiyawan naman sa loob ng gym, yung iba kinilig, yung iba naman medyo nainis din lalo na nung makita nila na ngumiti si Chester kay Chanel.
Anong reaction ko?!
Eh ano bang dapat maramdaman kung makita mong ngumiti yung taong gusto mo sa taong sa tingin mong gusto nya?!
Si Chanel Joyce Concepcion, the Campus Sweetheart, dream girl ng mga kalalakihan. Maganda, talented,halos lahat na ng physical aspects na gusto mo nasa kanya na ata, pero nobody’s perfect nga diba kaya hindi pa rin sya perpekto pero ganunpaman kung ikukumpara man ako sa kanya, “nevermind” na lang siguro ang maaaring isagot dyan. Maling maliitin ang sarili pero hindi ko maiwasan. Ano nga ba naman ang binatbat ng isang ordinary duck sa isang Golden Swan?
Yung about sa kanila, superclose talaga sila ni Chester pero ang hindi ko sigurado kung ano na nga bang stage ng relasyon nila ngayon.
Masakit ba? Yan ba ang gusto nyong itanong? Hmm… hindi pa siguro sukdulan ang sakit dahil hindi naman sila. Hehe! At ang motto ko “ Hanggang single pa si KRAS patuloy pa rin ang BUKAS!”
Hoping is still powerful than EXPECTING…
“And 3-points para kay Chester Lopez” sabi nung announcer at ano pa nga bang aasahan, isang dumadagundong na hiyawan sa gym..
Nagpatuloy ang tumitinding laban…last quarter na at konting minuto na lang ang iniintay..nakakapressure lamang kasi yung kalaban..Shete! Bakit ngayon pa ako nakaramdam ng call of nature..Kyaaaa.. naiihi na ako! Hala..maka-cr na nga, ayoko namang magkasakit sa bato..
“Excuse lang..makikidaan po..excuse” sabi ko sa kanila
At sa wakas after kong dumaan sa mga obstacles, nakarating din sa CR! Wooo..success,nakaihi na ako, buti wala masyadong pila sa CR, mukhang ayaw talaga nilang palampasin ang game..
After kong mag-cr, bumalik na agad ako sa gym.. pero dahil makulit ako, hindi muna ako pumunta sa upuan ko..nandito lang sa pinakababa at pinagmamasadan sya..Waaah! Wafu talaga nya..lalo pang nakapagpagwapo sa kanya yung pagiging wet look nya..pawisan na kasi sya.. Yay! Superhot!
“Miss Tabi baka matamaan ka!” pero bago pa ako makapagreact at makailag…
Boogsh!
“Miss..ayos ka lang?!” wala pa ako sa ulirat ng mga oras na to pero narinig kong sinabi nung lalaking lumapit sakin
“Hala! Si Akeisha pala yung natamaan”
“A—ray!” mangiyak-ngiyak kong sabi habang hawak ang ulo ko at mistulang bata na napaupo sa sahig.. napansin ko namang nakapalibot na pala sakin yung mga players..
“Are you alright?!” sabi nung team captain nung kalabang team
“Yeah..okay lang, medyo masakit lang ng konti” sabi ko habang dahan-dahang tumatayo, agad naman nila akong inalalayan
“Sure ka, okay ka lang?! Sorry nga pala, gusto mo dalhin kita sa clinic” sabi nung isang lalaki. Teka, sya pala ata yung team captain at yung taong nakatama sakin ng bola.
“Ah..hindi-hindi okay lang talaga ako tsaka wag ka nang magsorry! Ako naman may kasa---
“Dapat kasi hindi ka dyan nanunuod, akala ko ba matalino ka, alam mo naman siguro na delikado manuod dito, kung gagawa ka lang din naman ng eksena, siguraduhin mo na hindi masisira yung laro!!!” nahinto ang sinasabi ko at tumingin kami sa taong nagsalita, si Chester pala. Dahil sa narining ko, automatic na uminit ang paligid ng mata ko at any minute pwede nang tumulo ang likido na nandito.Binalak kong magsorry pero umalis na sya matapos nyang sabihin yun. Hindi nga pasigaw ang pagsasalita nya pero sobrang laki ng naging epekto sakin
“Don’t worry, pressured lang yun sa laro kaya nasabi nya yun” pag-aamo nung teammate ni Chester
“So—sorry” mautal-utal kong sabi at dahil hindi ko na mapigil yung iyak ko, tumakbo na lang ako palabas ng gym..
“Words don’t have power to hurt you unless the person who said it means a lot to you”
(sa field)
“Ang shonga-shonga ko talaga! Ayan,anong nangyare..nagalit tuloy sya sakin.. waaah! Galit ba talaga sya???WAAAAAAAAA”
“Sinong kausap mo?” napatakip naman ako ng bibig dahil sa narinig ko
“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya..
“Nakita kasi kita na nagsasalita dito mag-isa” sabi nya habang pinipigil yung tawa nya
“Ah..ganito talaga ako”
“About dun sa nangyare, sorry pala”
“Okay lang..congrats pala, kayo daw nanalo”
“Thanks, by the way I’m Zedrick ” sabay ngiti nya..
“Akeisha” at ngumiti rin naman ako..
Zedrick pala ang pangalan nya.Sya yung team captain nung kabilang team. Gwapo rin ang isang to, sinkit, maputi, matangos ang ilong,heartthrob din siguro sya sa school nila.. Mukha din naman syang mabait..
“Teka..nasan yung mga teammates mo?”
“Nakaalis na..”
“Huh? Eh bakit nandito ka pa?”
“Wala lang” sabay higa nya.. ang cute nga,ginawa nyang unan yung dalawang kamay nya..
“mmm.. halatang napagod ka sa game”
“Oo, magaling kasi yung team captain nyo” seryoso nyang sagot
Napangiti naman ako sa sinabi nya, syempre magaling talaga yun.. Kaya lang naalala ko na naman yung nangyare.. galit pa rin kaya yun, ako ata dahilan ng pagkatalo nila.. tss!
“Natahimik ka?!” tanong nya ulit
“Ah may naalala lang ako”
“Sino?”
“Sino agad hindi ba pwedeng ano muna?” at tumawa naman sya
“You’re funny” sabi nya, ang babaw naman nya.. natawa na agad sya sa sinabi ko
“EH ganito talaga ako”
Bigla naman syang umupo..
“I think I like you”
Napaubo naman ako sa sinabi nya..Ano daw?! Like nya ako..
“Natutuwa kasi ako sa mga jolly na tao” ah yun lang pala yun.. akala ko naman ibang like..haha..assumera din pala ako..
“Tara na!” tumayo sya at nilahad nya ang kamay nya sakin
“Ah sige, mauna ka na.. iintayin ko pa pinsan ko dito”
“Ah sure ka?!” at tumango na lang ako..
Naglakad na nga sya palayo sakto namang dating ni Nadine kaya naman niyaya ko na rin sya pauwi..
Magulo pa rin ang utak ko pagkauwi sa bahay, hindi ko pa rin alam kung paano nga ba ako makakabawi kay Chester. Siguro bukas, pwede na akong bumawi sa kanya.
BINABASA MO ANG
One Lucky Stalker
Teen FictionIT"S A FICTION STORY!!! Ang kwento na para sa mga taong lihim na nagmamahal at umaasa na sana balang araw ay mapansin rin sila ng taong pinapangarap nila. Dahil sa totoo lang masakit magmahal ng taong alam mong binabalewala ka lang...