Chapter 6.1

20 0 0
                                    

“Ma..sige po, papasok na po kami”--- Ako

“Tita, thank you po ulit”---- Chester

“Ah, you’re always wlcome hijo..sige..mag-iingat kayong dalawa ha” at bineso na kami ni Mama

Kakalabas pa lang namin ng gate ng bahay at….

“ Anong ginagawa mo?” napakunot naman ako ng noo nung narinig ko yun mula sa kanya.. Bulag ba sya at kelangan pang itanong kung anong ginagawa ko..

“Mmm..naglalakad!” pilosopo kong sagot

“Wag ka ngang pilosopo dyan?”

“Eh sa naglalakad nga ako eh, ano ba sa tingin mong ginagawa ko… nagsu-swimming?”

“Tss.. wag kang sumabay sakin!”

“Huh?! Eh iisa lang naman yung gate at daan namin, malamang dito rin ako dadaan”

“Pwes, problema mo na yun!” sabay alis nya..

Waaaahh! Ano bang problema ng isang yun? Dahil ba sa ginawa ko kagabi? Nadungisan ko ba agad ang pangalan nya?? Grabe naman sya, daig pa ang may PMS..tss..

(at may bigla akong naalala)

Halah! Yung game… ang laki nga pala ng kasalanan ko sa kanya at hanggang ngayon hindi ko pa alam kung papano ako babawi sa ginawa ko.. Krampot! Kaya pala mainit yung dugo nya sakin.. siguro napagalitan sila nang matindi nung coach nila.. balita ko pag natatalo daw yung basketball team ng school, sobra daw yun kung magalit… OM! Team Captain nga pala sya.. >_<

(Sa Classroom)

“Dahil natapos na na nating bigyang-tanaw ang iba’t-ibang uri ng literatura, nagyon naman ay magkakaoon tayo ng isang Gawain na magsisilbi na ring inyong maikling pagsusulit para sa araw na ito” --- teacher namin yan sa Filipino, ano na naman kayang activity, masyadong madaming pakulo tong guro namin na ito eh..

“Sir, ano pong Gawain?!” tanong nung isa kong kaklase

“Pipili kayo ng isang uri ng literatura, kung alamat, maikling kwento, tula o kahit ano pa man at sya yung ipapakita sa buong klase ngunit…….. kelangan kong makita ang pagiging malikhain ninyo, kelangang ibabase nyo lang inyong gagawin dun sa mapipili ninyong literature”

Nagtaka naman kaming lahat sa sinabi ni sir.. teka parang ang gulo lang eh, pipili ng literature tapos ibe-base lang..panu?!

“Alam kong naguguluhan kayo kaya bibigyan ko kayo ng halimbawa… ganito, kunwari ang napili nyo ay alamat at “Alamat ng Pinya” ang gagawin nyo, alam na naman nating lahat ang kwento nito,isang batang babae naparusahan dahil palaging bukambibig ay hindi nya makita ang alinmang bagay na pinapahanap sa kanya. Maaari nyong ibahin ang kwento, maaaring dugtungan nyo ang kwento o bawasan nyo, basta kayo na ang bahalang dumiskarte… naintindihan nyo ba?”

“Ah..yun pala yun.. halah! Parang ang hirap naman”  sabi ni Nadine na kasalukuyang katabi ko ngayon..

“Kaya nyo yan, para sa groupings, 4 ang magiging grupo kaya bumilang na kayo”

At yun na nga nagstart na ngang bumilang ang bawat isa.. Yehey! No.2 ako, my favorite number

“Okay, magsama-sama na ang bawat grupo.. bibigyan ko lamang kayo ng 20 minuto para makapag-usap”

“Yes, ka-group ko si Akeisha, I’m sure magiging mataas grades natin” sabi nung isa kong kaklase

“Baliw! Baka nga bumaba pa nang dahil sakin..haha”

“Hindi yan ikaw pa..teka kumpleto na ba tayo?” sabay bilang nya samin

“Kulang tayo ng isa, dapat 9 tayo eh..” napansin ko rin nga, 36 kaming lahat so pag dinivide mo sa 4 edi 9 ang bawat grupo..

One Lucky StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon