(Dinner time)
“Huy Akeisha.. bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo dyan sa plato mo” tanong sakin ni Mama
“Ma..medyo busog pa po kasi ako eh” pagsisinungaling ko, ang totoo kasi nyan hindi ako makakain ng ayos, kaharap ko kasi si Crushmate…
“Busog?! Ah…busog na sa pagtitig sa mukha nitong si Chester” pang-aasar ni Mama, napatigil naman sa pagsubo si Chester at napatingin sakin >//<
“Mama! ANo bang sinasabi nyo? Gumagawa na naman kayo ng kwento dyan eh” yamot na yamot ako habang sinasabi yan
“Sus! Sinabi ko lang naman yung nakita ko..Hahaha”
“Ayy! Mama..eto na o,kakain na po ako… “
“Ahaha! Ayan! Kumain ka nga, at ikaw din Chester… kain lang nang kain ah, wag na wag kang mahihiya samin nitong si Akeisha”
“Sure Tita.. thank you po” at ngumiti naman sya kay Mama
Yay! Napatulala naman ako sa ngiti nya.. minsan lang yan ngumiti sa classroom namin.. Ampogi mo talaga! Pero may napansin ako….
Krampot! Buti pa kay Mama..hindi mo ipinagkakait yang killer smile mo!!! Makaramdam ka naman :[
Matapos kaming kumain, inutusan ako ni Mama na samahan si Chester dun sa guest room, yun kasi ang magiging kwarto nya habang nandito sya sa bahay namin. Okay lang naman siguro kung dun na muna sya, malaki din naman yun, mas malaki pa nga sa kwarto ko eh…. Halah! Katapat nga pala nun yung kwarto ko..
“Okay na ako” napatingin naman ako sa kanya
“Huh?!”
“Sabi ko okay na ako,pwede ka nang umalis”
“A-ha-ha… sabi ko nga, sige!” at umalis na nga ako, sungit nya masyado eh…
Pero ang totoo nyan, nandito lang ako sa tapat ng pinto ng room nya.. pinapakiramdaman ko lang sya.
“Bakit biglang tumahimik?!” bulong ko sa sarili
Kanina kasi, may naririnig pa akong ingay at sure akong nag-aayos sya ng gamit. Mmm.. baka nakatulog na sya, siguro napagod din sya..
Wala naman sigurong masama kung sisilipin ko lang sya di ba?! Tulog naman eh, sige na pagbigyan nyo na ako.
Isa..dalawa..tatlo…
Nung hinawakan ko na yung doorknob, nagulat ako na ng biglang may nagbukas dito nang mabilis….na-out-of- balance ako…..
At……………
Nasalo nya ako?! >//<
“Aray!”
“Ano ba kasing ginagawa mo dyan?!” halata namang galit sya pero teka lang……..pwede bang kiligin??? Nakahawak pa rin pala sya sa bewang ko.. Kyaaaaaaaaaaaa!!!
“Sorry!”
Napansin nya sigurong nakahawak pa sya sakin,kaya agad din naman nyang tinanggal.. SAYANG!
“Tss..matulog ka na nga” sabay sara nya ng pinto..
Ang ganda na nung scene eh, lakas maka-koreanovela pero mukhang di tumalab kay Mr. Lopez… tss, Tanong lang, dapat ba akong matuwa dun sa nangyare?

BINABASA MO ANG
One Lucky Stalker
Roman pour AdolescentsIT"S A FICTION STORY!!! Ang kwento na para sa mga taong lihim na nagmamahal at umaasa na sana balang araw ay mapansin rin sila ng taong pinapangarap nila. Dahil sa totoo lang masakit magmahal ng taong alam mong binabalewala ka lang...