Chapter 2

6.6K 59 0
                                    

[Jelly]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Jelly]

_

_______________________________________________

"Okay ka lang?" tanong ni jelly habang papasok sila sa classroom. Napansin ata nito na kanina pa siya hindi umiimik.

"O-oo." at agad siyang ngumiti.

Tinitigan siya ng mabuti ng kaibigan.

"Talagang may mali sayo." wika nito at pinameywangan pa siya nito.

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "May iniisip lang ako" at agad siyang umupo sa upuan niya.

Kumuha naman ng upuan sa katabing mesa si jelly at pumwesto sa harapan niya.

"At ano naman yun?" tanong nito at pinag-aralan ang mukha niya. "hmmmn. Mali ata ang natanong ko." at humawak pa ito sa baba nito habang tinitigan siyang mabuti.

Napakunot siya ng noo. Parang naiintindihan naman ng kaibigan na hindi niya na-gets ang ibig nitong sabihin.

"I mean, SINO ang iniisip mo?" at inimphasize pa nito ang pagkasabi ng sino.

Parang nakuha niya naman bigla ang gustong iparating ng kaibigan. "w-wala akong iniisip na tao noh." wika niya at agad na binuksan ang notebook. "A-ano nga ang lesson natin ngayon kay Ms. Crunia ngayon?" pag-iiba niya ng usapan at kunwari ay may hinahanap na lesson sa notebook.

Hindi siya pinansin ng kaibigan at lalo pa siyang inintriga "Saan kayo pumunta kahapon?" wika nito at agad na kinuha ang notebook sa kanya. "Bakit kayo parehong wala?" dugtong pa nito.

"What do you mean?" maang-maangan niya at pilit na kinuha ang notebook pero agad naman itong inilalayo ng kaibigan. "Hindi ko talaga alam kung ano ang tinutukoy mo." pa inosente wika niya.

Lalo pa siyang tinitigan ng kaibigan. "Talaga?" at parang hindi pa rin naniniwala sa kanya. "hmmm..kung siya kaya ang tanungin ko kung ano ang nangyari kahapon baka alam niya ang tinutukoy ko."

Nagbuntong-hininga siya. Alam niyang hindi siya titigilan nito. "Okay. Nakita niya ako sa may rooftop kahapon tapos umuwi agad ako sa bahay.

Then hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa lalake na yun." mabilis na wika niya. "Sige na. Akin na yung notebook ko." at agad niyang kinuha ito.

"Yun lang?"

"Oo. T-tsaka ano pa bang gagawin namin dun sa rooftop, eh hindi pa nga kami masyadong magkakilala diba." wika niya at ibinigay niya ang best acting niya para hindi mahalata ng kaibigan na kinakabahan siya.

Tsaka bakit naman ako kinakabahan.

Wala naman talaga kaming ginawa sa rooftop.

Tamang-tama na nag-ring ang bell para sa susunod na subject.

Medyo nakahinga siya ng maluwag dahil titigil na sa kakatanong si jelly sa kanya pero alam niyang pagkatapos ng klase nila ay uusisain ulit siya nito.

Arranged Marriage To My Prince✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon