Chapter 50

2.2K 30 1
                                        

Sathana's POV

Amusing.

Hindi niya alam kung tatawa ba siya o maiinis sa taong nasa harapan niya.

He's a guy and he was literally shaking in front of her.

Am I some kind of monster or what??

This is so insulting.

Tinitignan niya lang ang lalakeng nasa harap niya habang nakayuko ito.

Hindi maitago ng lalake ang takot nito sa kanya.

Junior ata ito. From special section she thinks. Basta yung section na puro gifted at matataas ang IQ.

Actually, hindi siya special section. Section A lang siya. Yung section para sa mga medyo above average na mga studyante.

Sa tingin nga niya dapat ay nasa section C or D dapat siya dahil hindi matataas ang grade niya.

Pero na'perfect niya kasi ang math part nung entrance exam which raise her total score at naabot ang goal ng section A.

O diba amazing? haha. OA lang.

Tingin rin niya ay dapat nasa special section si prince pero hindi ata ito nag'take ng entrance exam at pinapili nalang kung anong section ang gusto nito.

Lucky Bastard.

Sobrang nag'cramming kaya siya nung entrance exam para sa ibang subjects aside from math. Kasi kapag hindi siya nag'study at magtiwala lang siya sa kanyang stored knowledge baka dun na siya bumagsak sa C or D section.

Mabuti nalang at hindi nag'cha-change ang section mo sa school na ito. Except nalang kung kailangan mong ilipat sa special section.

Nagbuntong hininga siya. Kanina pa siya naghihintay sa sasabihin ng lalakeng nasa harap niya pero naputol ata ang dila ng nakita siya.

Anong kailangan nito?

Hindi naman ata ito pumunta para i'bully siya kasi naka'poker face lang siya, nanginginig na agad ito.

Yung mga kaklase niya namang traydor, pinagtatawanan lang siya dahil natatakot sa kanya ang studyante.

Masyado na atang sikat ang cruelty niya sa eskwelahang ito.

Recess time nila ngayon at nag'stay siya sa classroom nila kasi tinatamad siyang maglakad papunta sa cafeteria.

Si jelly naman ay pumunta sa school store para bumili ng bagong gym shirt dahil namantsahan daw ang gym clothes nito at nagpasama kay jeremy so siya nalang ang natira dito sa classroom.

Hindi na siya nakatiis at napagpasyahang siya nalang ang maunang magsalita. Aabutin ata sila ng hundred years, hindi pa rin ito magsasalita.

"Who are you? What do you want?" Tanong niya gamit ang mabait na tono.

Nag'flinch ito ng nagsalita siya. Mas lalo atang natakot ng ginamit niya ang mabait na tono.

Pati ang mga kaklase niya parang nagtayuan ang mga balahibo ng mga ito ng narinig ang mabait na tono niya.

What the heck??!!

You've gotta be kidding me.

Here I am trying to be nice and this is the kind of reaction their giving me?

Are you serious??

Tch. Nagbuntong hininga ulit siya.

Grrr. This people are really getting on my nerves.

Calm down sathana. Their not worthy enough of your anger. Comfort niya sa sarili.

Tumingin ulit siya sa lalake.

Arranged Marriage To My Prince✅Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon