Sathana's POV
Malapit na siya sa sala ng napansin niyang may babaeng nakaupo sa mahabang sofa.
Patingin-tingin ito sa paligid.
Maputi ito.
Mahaba ang buhok at medyo singkit ang mata.
She's pretty sure na half foreigner ang babae sa harapan niya.
Napakaganda nito.
Parang artista.
wait.
Sino pala ang babaeng 'to?
Anong ginagawa nito sa sala namin?
Huwag mong sabihin na ito si.........
L-LIANE???
OMG.
Wala na talaga siyang pag-asa kay prince.
Alam niya naman sa sarili niya na maganda siya pero sigurado siya na pag itatabi siya sa babaeng nasa harapan niya ngayon aymagmumukhang ordinaryong tao siya.
Parang sumama tuloy ang pakiramdam niya.
She regretted leaving her room.
"Bakit naka-stambay ka dito?" wika ni prince mula sa likuran niya at tinapik siya sa balikat.
Nagulat talaga siya sa pabigla-biglang pagsulpot ng lalake.
Parang lalabas ata ang puso niya sa sobrang gulat.
Hinawakan niya ang dibdib at pinakalma ang sarili.
"Okay ka lang? Nagulat ka ba?" nag-aalalang tanong ni prince.
"Obvious ba? May balak ka bang patayin ako?"
"Sorry. Pero bakit ka nakastambay dito?"
"Ah.....eh........Nahihiya ako dun sa babae." pagsisinungaling niya.
Ang totoo ay ayaw niyang makita ang mukha nito sa malapitan dahil baka masabunutan niya lang ito at lalo siyang ma insecure.
"Halika. Pakilala kita sa kanya." nakangiting wika na prince.
Nakita niya na naman ang kislap sa mga mata nito na kinaiinisan niya.
"Ah. Huwag na. Aakyat nalang ako sa kwarto. Naalala kong may nakalimutan akong kunin." nakangiting wika niya pero talagang depress siya.
Feeling niya ay wala na talaga siyang pag-asa sa lalake.
Ngumiti rin ito sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Sige. Akyat ka na." wika nito.
She lost all of her hope already.
Napakaganda talaga ng kalaban niya.
Idagdag pa na gusto rin ito ni prince.
Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan ng marinig niya ang nag-aalalang boses ni prince.
"Lianne. Okay ka lang?" nag-aalalang wika ng lalake.
Dali-dali siyang bumaba ng hagdanan at lumapit sa dalawa.
"Anong nangyari?" tanong niya at agad na tumingin kay lianne.
Namimilipit ito at parang hinihirapang huminga.
Parang nataranta rin siya ng makitang nahihirapan ang babae.
Hindi niya alam ang gagawin.
"Saan yung inhaler mo? Yung bag mo?" sobra-sobrang pag-aalala ni prince.
![](https://img.wattpad.com/cover/1437876-288-k253216.jpg)
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage To My Prince✅
Roman d'amour[Completed] [Tagalog/English] [Mature content] [18+] An arranged marriage between a spoiled brat and a playboy. Sathana is a spoiled brat who always gets what she wants. She have very few friends and she's the biggest enemy of the school. Everyone...