Chapter 1

9.8K 79 2
                                        


[Prince]_

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Prince]
_

_______________________________________________

Pagkatapos nilang lahat na tumakbo ng isang round sa field, dinismiss na sila ng kanilang guro. 

Tumakbo agad lahat ng kaklase nila sa gripo.

Nakalinya ang mga ito para maghugas ng mukha at uminom na rin ng tubig.

Siya naman ay naghihintay sa may malayo kay jelly.

Tinitingnan pa lang niya ang mga kaklase habang naghuhugas sa may lababo at nakahilay ang katawan dito, parang tumatayo na agad lahat ng balahibo niya sa katawan.

Parang nandidiri siyang tingnan ang mga ito.

Nilaro-laro na lamang niya ang bato using her feet habang nagpapalipas ng oras para hindi siya inipin sa kakahintay.

Mamaya na siya maghuhugas ng sarili sa may shower room.

Hinding-hindi niya kayang gumamit ng gripo sa may lababo kahit nga lumapit lang dito ay halos maubos na ang hininga niya. 

At agad na may tumayo sa harapan niya.

Akala niya si jelly na ito kaya agad siyang tumingin dito.

Nagulat siya ng makita si prince sa harapan niya.

Nakangiti ito at medyo basa ang buhok.

Siguro ay kakahilamos lang nito ng mukha.

Hindi niya alam kung anong sasabihin kaya napatingin lang siya sa lalake at nagsmile. 

"Hoy!" wika ni jelly mula sa likuran niya. 

Napatalon siya sa biglaang pagsulpot nito.

Parang aatakihin ata siya sa puso dahil sa ginawa nito. 

Napahawak siya sa dibdib niya habang hinahabol ang hininga.  

"A-ano ba jelly?. Are you trying to kill me?." wika niya habang pinapakalma ang puso. 

"Sorry. Nagulat ka ba?"  

"Obvious ba?". At parang naluluha pa siya sa sobrang gulat. 

Agad siyang tumingin sa lalake.

Medyo nakangiti ito.

Lalo tuloy siyang nahiya baka nakakatawa ang mukha niya kanina.

Nasa harapan pa naman niya ito. 

"Hi prince." wika ni jelly at nagpacute pa ito kay prince. "I'm jelly" sabay lahad ng kamay.  

Agad namang tinanggap ito ng lalake. 

"Nice to meet you." nakangiting wika nito sa kaibigan. "And you are?" at sa kanya naman ito tumingin. 

"Sathana Silvestre" nahihiyang wika niya. At agad na nilahad ang kamay. 

Arranged Marriage To My Prince✅Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon