Chapter One

2.9K 91 4
                                    

I stared at my reflection. Pulang-pula ang mga pisngi ko. Ang mga mata ko, halatang pagod na pagod. At ang mga labi ko, parang... parang namamaga. Ano bang nangyari sa akin kagabi? I remembered, pinilit ako nila Isabel na uminom hanggang sa... PAKSHET?! TOTOO BA YUN?! TOTOO BA NA HINALIKAN AKO NI SIR ASHER?!

"OH MY GOD SANA PANAGINIP LANG YUN!" Parang timang kong sigaw sa harap ng salamin ko at sinabunutan ang sarili ko.

Ano nang mangyayari sa akin ngayon? Tatanggalin ba ako sa project ni Sir? Ayoko nang isipin! Grr! Sana lang talaga hindi yun totoo! Pero, nararamdaman ko eh. Ugh! Ano ba, Astrid!

Napatingin ako sa orasan ko. Shit! Mala-late na ako!

Agad akong naligo at nagbihis. I wore a white long-sleeved button down blouse and tucked it inside my pink pencil skirt. I paired it with my white block sandals. Hindi na ako nag-abala pang mag-breakfast at baka mahuli na talaga ako. Mabawasan pa sweldo ko 'no! Kailangan ko ng pera!

"Good morning, Ma'am." Bati ng guard ng company na pinapasukan ko.

Ngumiti ako, "Good morning din, Kuya!" Sabi ko at mabilis na tumakbo papuntang elevator.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Asher na mag-isa sa loob ng elevator. Nag-aalangan pa ako kung papasok ba ako o hindi.

"Ms. Morales, wala ka bang balak pumasok?" Taas kilay na tanong ni Sir.

"Ha? Ah, pwede po ba?" He looked at me intently.

"Lutang ka ba? Why not? You're also an employee here." Oo nga 'no? Tanga talaga, Astrid! Isipin mo nalang kasi na baka panaginip lang talaga yun!

Pigil-hininga akong pumasok at pinindot ang 11th floor.

Ako lang ba pero ba't parang ang awkward?!

"Ms. Morales."

"Ay jusko po!" Napa-hawak ako sa dibdib ko. Ano ba naman yan si Sir! Nanggugulat!

"Why do you look so terrified? I just called your name." Tanong nito. Ngumiti lang ako at nag-sorry.

"Anyway, you look tired. Napagod ka ba kita kagabi?" Nanlaki ang mga mata ko. Ang bastos!

"Ano?!"

"No, no. I mean, I forced you to drink last night. May hangover ka pa rin ba?" Umiling ako.

"Jusko, akala ko pa naman ano." Bulong ko sa sarili ko.

"May sinabi ka, Ms. Morales?"

"Ha? Wala po, sir. Hehe." Ngumiti ako. Jusko po. Sana manahimik nalang si Sir. Ayoko ng alalahanin pa kung ano ang nangyari kagabi.

Unang lumabas ng elevator si Sir pagkarating namin sa 11th floor. Syempre, mas mataas posisyon niya eh. I blushed immediately when I thought of other thing.

Nang makapasok kami sa department namin ay umupo agad ako sa cubicle ko. May sariling office si Sir Asher. Syempre.

Pumunta ako ng pantry para mag-timpla ng kape. Nagugutom ako. Kumuha ako ng coffee powder at bread.

"Uy, Tri. Kamusta?" Tanong ni Isabel na nagtitimpla din ng kape para sa sarili niya siguro.

"Hay. Di ko alam anong nangyari sa akin kagabi. Kung ano ba pinaggagawa ko. Kaya ayokong uminom eh!" Sagot ko. Tumawa siya sa sagot ko.

Wow. Kapal ng mukha. Palibhasa, sanay na sanay na uminom 'tong babaeng 'to.

Di kasi ako heavy drinker. Tsaka minsan lang din ako uminom, kung iinom man light lang. Iba lang talaga yung kagabi, si Sir Asher na kasi pumilit eh boss ko siya. Ang sama ko naman kung tatanggi pa ako. Hays. Ewan ko!

Napatingin ako kay Isabel nung bigla niyang tinapik ang balikat ko, "Huy, girl! Lutang na lutang lang, ganern?"

"Ewan ko sayo. Lunch mamaya ah." Sabi ko dito tsaka umalis.

Bumalik ako agad sa cubicle ko at mabilisang kinain ang pagkain ko. Madami pa akong gagawin!

Tahimik lang ako habang ginagawa ang mga dapat kong gawin nang lumapit sa akin si Sir Asher.

"Ms. Morales." Tumayo ako para harapin siya.

"Yes, sir?"

"Follow me." Nag-lakad na siya paalis kaya inayos ko kaagad ang sarili ko at sumunod sa kanya.

Pagka-pasok ko sa office niya ay naka-upo na siya sa swivel chair niya. Naka-hawak ang kamay sa sentido na parang malalim ang iniisip. May nagawa ba akong kapalpakan? As far as I know, wala naman ah! Ginagalingan ko nga sa trabaho. Syempre, Licensed Engineer na ako!

"Sir? Bakit po? May mali po ba sa trabaho ko?" Takang tanong ko.

"Sit down first, please." Tumango ako at umupo sa couch. Umupo din siya sa couch na nasa harap ko.

"Do you remember anything last night?" Nagulat ako sa tanong niya. Pakshet! Nakakahiya!

"P-po?"

"Do I need to repeat my self?" Napa-iling ako agad at yumuko. Di ko alam kung o-oo ba ako o hihindi. Baka kasi ano pang sabihin niya!

"Miss Morales. Answer me honestly." I bit my lip. Shit!

"Y-yes, Sir. I remember everything." Napayuko ako. Nakakahiya ka talaga, Astrid! Paano kung tanggalin ako nito sa project?

"Then let me ask you a favor," Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang baba ko na nagpagulat sa akin at tinaas ang mukha ko.

"Please don't tell anyone about that."

Tumango lang ako at lumabas.

---------------

:D

don't forget to vote, comment, follow and share ;)

Ladders Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon