Napa-facepalm ako nang marinig ko ang sinabi ni Isabel. Nagya-yaya na namang uminom. Hindi ba 'to nagsa-sawa sa alak? Kamusta na kaya ang atay nito? Jusko po.
Dalawang linggo na ang lumipas nang mangyari ang team dinner namin. Wala naman masyadong nangyayari, except for the fact na parang iniiwasan ako ni Sir Asher. Hindi ko alam kung ako lang ba o ano. Bahala nga siya. Basta kinakalimutan ko na ang nangyari sa amin.
"Girl! Sige na kasi! Sunday naman tomorrow ah! No work." Pagmamaktol ni Isabel na parang bata. Pinagtitinginan pa kami ng ibang empleyado na kumakain din.
Nilapag ko ang ang baso ko at inikot ang tingin sa buong cafeteria ng company. Mabuti nalang at konti nalang ang empleyado dito. Tapos na ata kumain ang iba. Ewan ko.
"Ayoko! Baka malasing na naman ako at may magawa na naman akong kabulastugan." Tanggi ko. Ngumisi naman si Isabel kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Duh! Wala naman si Sir Asher! Sila Engineer Cruz lang naman kasama natin tsaka ibang engineers pa." Pilit niya. Hindi ata ako titigilan ni Isabel kaya tumango ako.
"Fine! Basta no hard drinks." I gave up.
"Yey! I'm gonna tell them talaga! 10 pm ha? Sunduin kita mamaya sa bahay niyo." Offer niya. Umiling ako.
"No thanks. Lumipat na ako sa apartment ko nung Sunday. Malayo kaya yun sa bahay mo. Ma-hassle ka pa. Magga-grab lang ako." Sagot ko. I moved out from the house. 24 na ako. I think it's time for me to start being independent. Pumayag naman si Mama. Si Kuya ayaw nga pero walang magawa. Mabuti nalang at kilala ko ang may-ari ng apartment kaya medyo naka-discount ako.
"Okay! Kailan ka ba bibili ng car?" She asked. I shrugged.
"I don't know. Kakalipat ko lang kaya. Wala pa akong sapat na ipon para sa sasakyan." She nodded her head.
Time flies so fast. Naka-uwi na ako sa apartment at naghahanap ako ng masusuot. I chose to wear a black velvet mini dress na hapit sa katawan. Medyo kita rin ang dibdib but I don't mind. I wore a silver heels to match it. Naglagay din ako ng hoop earrings and necklace. I put a light make-up sa face ko. I'm sure mahuhulas din ito later. I brought my black Chanel sling bag and put it in my shoulder.
Okay! I'm ready. I texted Isabel na papunta na ako and she replied 'Okay! Take care :*'. I booked a Grab and mabilis naman akong nakarating sa bar. Medyo late nga lang dahil na-traffic ako. Gosh!
I immediately waved at Isabel when I saw her. Nasa taas siya and she's wearing a navy blue off-shoulder and black high-waist shorts. She paired it with a black ankle boots.
"Hey! Late ka na." She reminded. I rolled my eyes.
"Buti nga pumunta ako." Panggui-guilty ko at umupo sa couch. Nandoon na ang ibang kasama namin. Lima lang sila. I greeted them.
"Hi, Engineer Cabrera." I said and smiled. Naka-upo siya sa tabi ko. He smiled at me too. He looks hot wearing a grey shirt and leather jacket.
"Carter nalang. Wala naman tayo sa trabaho." He chuckled.
Nilapag ni Isabel ang mga alak sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa dami nito at iba-ibang klase pa!
Binigyan ako ng shot ni Isabel pero tumanggi ako.
"Iinom na yan. Iinom na yan!" Cheer nila. I laughed at tinanggap ang inabot ni Isabel sa akin. Isa lang dapat yun pero nadagdagan pa nang nadagdagan! Hindi ko na mabilang! Lasing na ata ako. Mababa ang alcohol tolerance ko.

BINABASA MO ANG
Ladders Of Love
Teen Fiction[COMPLETED] Astrid Morales, a Civil Engineer, finds her self kissing the Head of Engineering Department, Asher Hernaez. It was just a one kiss, but it changed her life. Edited. 2020.