Almost 2 months ago na nang mangyari ang Boracay trip namin. Asher is still courting me. Sobrang considerate niya sa akin at maalaga. Sabay kaming nagla-lunch, minsan kasama sila Isabel at Lia. Kahit minsan tinotopak ako, he handed me very well.
9 AM na nang magising ako dahil alas-dose na nang hating-gabi ako nakatulog. Nanuod pa ako ng kung anu-ano sa YouTube kasi natulog talaga si Asher. Kapal ng mukha na tulugan ako. Hmp.
Wala naman akong plano ngayong araw bukod sa mag-grocery nang pang-stocks ko dito sa apartment dahil paubos na mga pagkain ko. May malapit naman na Supermarket dito sa amin. Tapos na akong maligo at nakapag-bihis na rin ako nang simpleng Pink V-neck shirt at dolphin shorts. Cellphone at wallet ko lang ang dala ko.
Nag-tricycle lang ako papuntang Supermarket dahil sayang naman kung maggra-Grab pa ako eh ang lapit nga lang naman.
"Good morning, Ma'am." Bati ng guard. Ngumiti lang ako tsaka kumuha ng malaking pushcart dahil marami-rami ang bibilhin ko.
Kumuha lang ako ng mga kailangan. Like meats, vegetable, condiments and snacks dahil magbi-binge watching ako sa Netflix mamaya. Nakaka-miss din manuod 'no! Ngayon lang ako nagka-time.
Pilit kong inaabot ang chocolate bar na nasa taas dahil hindi ko maabot. Nagulat nalang ako nang may kumuha nito ay binigay sa akin.
"Asher?!" Gulat kong tanong. Anong ginagawa niya dito?! Paano niya nalaman na nandito ako?!
"Hi." He smiled. He's wearing a shirt and city shorts. Pucha, ba't ang gwapo niya pa rin?!
"Anong ginagawa mo dito?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nakita kita na pumasok dito. I was about to go to your place." He answered. Tumango lang ako.
"Ah. Pero bakit? May kailangan ka ba?"
"Yeah, you." Sinamaan ko siya ng tingin. 'Tong lalakeng 'to! Ke-aga aga nilalandi na ako. De joke.
"Ha ha." I faked a laugh and rolled my eyes. Tumalikod ako at naglakad papuntang counter dahil magbabayad na ako.
"Are you mad at me?" Panggugulo ni Asher.
"Hindi, tanga. Ba't naman ako magagalit sayo?" I creased my forehead. Hindi naman ako galit sa kanya na tinulugan niya ako 'no. Alam ko naman inaantok siya pero nainis ako ng slight okay?!
"Then why are you avoiding me?" I handed the cashier my card.
"Gutom ako. Hindi pa ako nakakapag-breakfast." Sagot ko at kinuha ang mga pinamili ko na nasa eco-bag na. No to plastics tayo. Let's save the Earth. Inagaw ni Asher ang mga dala ko. Hindi na ako umangal dahil mabigat. Bahala siya, siya nag-pumilit.
He opened the passenger seat door. Pumasok naman ako. "Thanks."
"Gusto mo ba kumain muna tayo? I think may nadaanan akong restaurant na open." He offered. I shook my head.
"Hindi na. Maglu-luto ako sa bahay. Gusto mo kumain?" His face brightened up. "Sure."
He drove to my house. Siya na rin nag-akyat ng mga pinamili ko. Syempre, tinulungan ko siya. Hindi naman ako ganun ka-sama 'no!
"Upo ka muna. Make your self comfortable." I offered. Umupo naman siya. I opened the TV.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko. "Up to you." He answered. Eh? Lutuan ko siya ng tuyo, kakain ba siya? Up to you, up to you siya diyan. Inirapan ko siya at pumunta ng kusina.
Magfafried-rice nalang ako at tocino tsaka sunny-side up na egg.
Nagha-hain na ako ng mga plato nang pumasok si Asher sa kusina.

BINABASA MO ANG
Ladders Of Love
Genç Kurgu[COMPLETED] Astrid Morales, a Civil Engineer, finds her self kissing the Head of Engineering Department, Asher Hernaez. It was just a one kiss, but it changed her life. Edited. 2020.