Napasandal ako sa pader. Ano ba, Astrid? Umayos ka nga! Hindi ko alam bakit ako nasasaktan! Tama na nga ang kakaasa sa kanya. Alam ko naman namang hindi niya talaga ako magugustuhan.
Hindi ko rin naman kasi inakala na naaalala rin ni Sir Asher ang nangyari sa amin kagabi!
He wasn't my first kiss naman. Pero it left a big impact on me! Hindi ko naman kasi inakala na hahalikan niya ako! I don't know anymore!
Umiling-iling ako at umupo. Ang dami ko pang gagawin.
Inayos ko ang mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng mesa ko. Sobrang gulo dahil nga may ginagawa ako kanina.
Hindi ko maintindihan si Sir! Ewan ko!
Hindi ko na namalayan ang oras at nakaramdam nalang ako ng gutom kaya napatingin ako sa wrist watch ko. Alas-sais na pala. Hindi ako nakapag-lunch kaya pala gutom na gutom ako eh.
Nag-inat ako ng katawan kaonti at pumasok ng washroom para mag-ayos ng sarili.
Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Mama.
"Hello, Ma?"
"Hello, anak? Nakauwi ka na ba?"
"Hindi pa po, Ma. Bakit po ba? Hindi ba sinasabi ni Kuya?"
"Oo, anak. Nandito kami ngayon kina Tita Kath mo. Baka sa susunod na araw pa kami makakauwi. Humabol ang kuya mo dito eh. Gusto niya raw makita si Luke. Hindi ako nakapag-luto ng panghapunan mo."
"Ganun po ba? Sige po. Sa labas nalang ako kakain."
I ended the call right after we said goodbye.
Paglabas ko ay nagulat nalang ako nang makita kong nakasandal si Sir Asher sa pader. Putek! Oo na! Gwapo ka na Sir! Pero hindi ko makakalimutan ang sinabi mo kanina! Ang kapal ng mukha! Hmp. Asa naman siyang ipagkakalat ko ang nangyari sa amin no. Duh!
Hindi ko siya pinansin at naglakad lang pero agad niya akong tinawag. Ano na naman ba.
"Ms. Morales." Sabi nito at umayos ng tayo. Nilagay nito ang kamay niya sa bulsa ng slacks niya.
"Are you going home?" Tanong niya pa. Agad akong tumango.
"Opo, Sir." Sagot ko.
"The team is having a dinner. Do you want to join?"
I nodded my head. Kakahiya naman kung aayaw ako diba?
"Sure po." He smiled.
"Let's go." Nauna itong naglakad. Binilisan ko ang lakad ko dahil malalaki ang mga hakbang niya at baka maiwan pa ako.
Napadaing ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at nabangga ako sa malapad niyang likod.
I scrunched my nose. Feeling ko mababali ilong ko eh. Paano ba naman, ang tigas ng likod.
"Oh, shoot! I'm sorry!" He cupped my face. Sinuri niya kung may nangyari sa mukha ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang attractive niya talaga. Nakakainis. Pero ang kapal pa rin ng mukha niya!
"Masakit ba?" He asked while looking straight into my eyes.
"Ha? Hindi po, Sir. Hehe." Tanggi ko at medyo nilayo ang mukha ko. Tumango siya.
"Oh, okay." He smiled at nagpatuloy maglakad.
Pagka-baba namin sa may lobby ay nakita ko kaagad ang mga kasama namin na nag-hihintay. Nakakahiya! Baka isipin nila na feeling VIP ako. Jusko po.
Agad akong tumabi kay Isabel na naka-ngisi sa akin.
"Ba't mo kasama si Engineer Hernaez? Ha?" Panunukso niya. Pertaining to Sir Asher. Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig niya.
"Tumahimik ka nga! Baka may makarinig sayo. Ang issue mo. Gaga." Pikon kong sabi. Tumawa naman siya at inakbayan ako.
"Let's go?" Aya ni Sir. Um-oo naman kaming lahat. Kanina pa pala nila napagplanuhan na sa restaurant malapit sa building namin kami kakain. Ba't hindi ako na-inform?!
Umupo ako sa tabi ni Isabel at sa kaliwa ko naman ay ang isa pa naming kasama na si Engineer Cruz. He's taller than me and medyo gwapo rin. Type nga ni Isabel.
Um-order na kaming lahat ng pagkain and mabilis naman dumating kaya nakakain kami agad. Saktong-sakto dahil nagugutom na ako 'no! Wala kaya akong lunch. Kainis.
"Girl," Bulong ni Isabel sa akin. Lumingon ako sa kanya.
"Oh?"
"Sa'n ka pumunta kagabi? Bigla kang nawala ah." Tanong niya. I bit my lip nang naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Sir. My god! Gusto ko nang kalimutan yun! Never na talaga akong iinom!
"Ha? Ano... Umuwi na ako. Lasing na ako eh." I faked a smile. Tinaasan pa ako ng kilay ni Isabel na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Excuse us, washroom lang kami ni Engineer Morales." Nanlaki ang mga mata ko nang hinila ako agad ni Isabel. Hinampas ko siya sa braso. Anong trip niya?
"Mag-sabi ka nga ng totoo. Sa'n ka pumunta kagabi? Last time I saw you, hinila ka ni Sir Hernaez." I saw her smirking.
"Did something happened between you two?" She suspiciously asked. Sasabihin ko ba? Sir Ethan clearly told me not to tell everyone. But I trust her naman. She's my bestfriend since high school!
Dahan-dahan akong tumango. "We kissed."
"Gago, seryoso?" Di niya makapaniwalang tanong. "Oo nga."
She squealed kaya tinakpan ko ang bibig niya.
"So anong nangyari? Saan kayo? Masarap ba?" Ang dugyot talaga ng babaeng 'to! Tinakpan ko ang tenga ko para hindi ko na marinig mga pinagsasabi niya.
"Huy! Omg! Naka-jackpot ka girl! Sana all!" Hinila niya ang kamay ko at tinaas sa ere.
"Shet! Bestfriend ko 'to!" Binatukan ko siya. Nababaliw na ata 'to si Isabel!
"Baka sa susunod ah, magpakasal na kayo." Biro niya pa. Inirapan ko siya.
"Gago. Parehas naman kaming lasing ni Sir kagabi." Tanggi ko.
"Weh? Ba't ka niya pinatawag kanina?" Pangchi-chismis niya. Ang dami niyang tanong!
"Sinabihan niya ako na wag ko raw ipagsabi ang nangyari. Kapal niya! Akala niya gusto ko pa siya. Duh!"
"Really? He said that?" Sumandal ako sa may countertop. I sighed heavily.
"Yeah. Alam ko naman na lasing lang kami kagabi eh. Mali ko rin naman kasi yun. Boss ko kaya siya." Sagot ko.
"Girl, wala namang mali! Parehas kayong single ni Sir!" Pagco-comfort niya pa.
"Malay mo, ma-inlove siya sayo. Yie. Crush mo diba siya?" Umiling ako agad.
"Noon yun 'no!" Naalala ko kaagad nung college pa kami. Magka-blockmates kami nila Sir Asher at Isabel. Crush na crush ko nga siya eh. Jusko po! Hindi ko nga akalain na magkakasama kami sa isang company. Nawalan naman kasi ako agad ng connection kay Sir Ethan after graduation eh. Tsaka hindi ko siya sinundan no! As if!
"Wag ka ngang magsinungaling! I know you confessed your feelings to him before tayo nag-graduate." Umiling nalang ako.
Lumabas na kami ng washroom at nagtaka naman ang ibang kasama namin kung bakit ang tagal namin sa loob. Tinukso pa nga kami ng iba na baka kinain na raw kami ng bowl. Ang co-corny!
Hindi ko sinasadyang mapa-tingin kay Sir Asher. He was staring at me too.
------------------------------
don't forget to vote, comment, follow and share ;)

BINABASA MO ANG
Ladders Of Love
Teen Fiction[COMPLETED] Astrid Morales, a Civil Engineer, finds her self kissing the Head of Engineering Department, Asher Hernaez. It was just a one kiss, but it changed her life. Edited. 2020.