Chapter Six

2.1K 67 0
                                    

I lazily turned off my alarm. Pag-tingin ko dito, alas-dos pa pala ng umaga pero nag-alarm naman talaga ako. Ngayon ang flight namin papuntang Boracay, mamayang 5 pa actually. 4 AM daw kami magki-kita sa Airport and knowing me, mabagal akong kumilos.

I took a shower and brushed my teeth. Sinuot ko rin ang hinanda kong damit kagabi. Mustard Square Neck Crop Top and Acid Wash High-waisted pants. Naka-sneakers din ako na white. I just put a cheek and liptint in my face and I'm ready.

Uminom muna ako ng kape before checking my phone. Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko nang mabasa ko ang message ni Asher sa akin.

ashernaez: nasa labas ako ng apartment mo.

2 minutes ago pa ang message na yun. Agad akong sumilip sa bintana. What the fuck. Nandito nga si Asher! Naka-sandal siya sa sasakyan niya at nakatingin sa cellphone niya.

Agad akong bumaba para kausapin siya.

"Asher." I called.

"Good morning," He looked at the sky. Maraming bituin sa langit. Maganda rin ang moon ngayon. "I guess." He smiled at me.

"Good morning din. Uhm, anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong.

"I was thinking that it's dangerous for a woman to take a taxi at this hour. So I came here to pick you up." He answered with a husky voice. I bit my lip. Ba't ganun, ang gwapo niya pa rin sa umaga? Kahit napaka-simple ng suot niya, he looks stunning. He's just wearing a black shirt with a graphic design on the front and a pants.

"Ganun ba? Pasok ka muna. Maaga pa naman." I glanced at my wrist watch. 3:07 pa ng umaga. Malapit lang naman ang airport dito sa apartment ko at sigurado naman akong hindi kami mala-late.

"Sure." He answered. We entered the room quietly, afraid that the neighbors will hear us.

"Gusto mo ng kape?" I offered nang makapasok na kami. Nilibot niya ang paningin niya. Good thing I cleaned my room.

"No, thank you. A glass of water will do." I nodded my head. Kumuha ako ng baso at pinuno iyon ng tubig.

Bakit kaya naisipan niya na isabay ako papuntang airport? Ang alam ko, malayo ang bahay niya dito eh. Ay, ewan.

Nilapag ko ang baso sa may mesa at kinuha niya naman iyon tsaka nagpasalamat. Naka-upo siya sa couch, nakapatong ang braso niya sa hita niya.

"You're apartment looks nice." I smiled. "Thank you."

"Kanina ka pa sa labas?" Tanong ko.

"5 minutes ago." Tumango-tango ako. Mabuti nalang at tiningnan ko ang cellphone ko kung hindi, pinaghintay ko siya ng matagal.

He drank the remaining water in the glass. I watched his Adam's apple go up and down.
I bit my lip.

"Ang gwapo, yawa." I whispered to my self.

"Ha?" My eyes widened. Narinig niya?!

"Hakdog." Walang kwenta kong sagot. Kasi, wala akong matinong masagot sa kanya no! Alangan namang sabihin ko sa kanya na naattract ako sa kanya kahit totoo naman! May dignidad pa rin ako no!

He chuckled. Nag-usap lang kami saglit about sa upcoming project namin. Kasi wala lang. Wala na akong ma-topic eh. Ang awkward naman siguro kung hindi ako magsasalita no. Napag-desisyunan na namin umalis dahil hinahanap na kami.

"Did you eat breakfast?" Tanong niya habang seryosong nagmamaneho. Naka-focus lang ang mga mata niya sa dadaanan namin dahil medyo madilim na.

"Hindi. Pero nag-kape naman ako." I answered. Hindi siya sumagot kaya hindi na rin ako nagsalita. Baka inaantok siya? Dapat talaga kape nalang binigay ko sa kanya kanina! Ang tanga ko lang.

Ladders Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon