"Girl, ahon muna kami. Ang init na eh." Paalam nila Lia at Isabel sa akin.
"Sure." Sagot ko. Umalis na sila sa tubig at pumunta sa may mga cottage. Tumalikod ako at humarap sa kabilang isla. Ang ganda. Sana ganito nalang palagi. Relax lang, walang stress. Pero hindi naman ganyan ang buhay. May ups and downs. Nasa sa iyo yan kung haharapin mo ang problema o hindi.
I was in my deep thoughts when I felt something ticklish in my feet. Napasigaw ako nang may bumuhat sa akin. Pag lingon ko, si Asher lang pala.
"What the hell! Ginulat mo ko!" Reklamo ko at hinampas siya. Tumawa lang siya.
"I'm sorry." He apologized but still laughing. Wow ah, ngayon lang ako nakakakita ng nagso-sorry pero masaya.
Mas napasigaw ako nang hinila niya ako sa mas malalim na parte ng dagat. Hindi ko na abot ang sahig! I wrapped my legs around Asher's torso. His right hand was holding my waist to support my weight. Naka-pulupot din sa leeg niya ang isa kong kamay.
"Ang sama ng ugali mo!" Inis kong sabi kay Asher. I glared at him.
"Sorry. I just want to hug you." He said softly and buried his face on to my neck. Tangina, ang landi landi namin!
"Babe." Tawag niya. My forehead creased when I heard him.
"Anong babe?" Taas kilay kong tanong. Tumingin siya sa mga mata ko, "Sorry, ayaw mo?"
"Ganda ganda ng pangalan ko tas tatawagin mo lang akong babe. Isa pa nga." I playfully said. He laughed and gently kissed my jaw.
"I thought you were mad." Parang nagtatampo niyang sabi. I pinched his nose.
"Eto naman! Parang baby! Pero baby naman talaga kita." I giggled. He cupped my face and kissed me passionately.
It lasted for a few seconds before we heard someone shouting.
"Hoy, ang lalandi niyo! Kumain na muna kayo! Mamaya na yang harutan!" Tawag ni Isabel. Tumawa kaming dalawa sa pinagsasabi ni Isabel. Palibhasa, wala dito ang jowa niya.
Inakay ako paahon ni Asher.
"Hala." I whispered to my self. Nakalimutan ko dalahin ang towel ko! Napaka-kakalimutin ko na!
"Hey, anything wrong?" Tanong ni Asher habang nagpapatuyo ng buhok niya.
"Nasa room ang towel ko." Sagot ko. May kinuha siya na kung ano sa isang upuan. "I brought an extra." Pinakita niya sa akin ang towel. Aabutin ko na sana pero siya na mismo ang naglagay sa balikat ko.
"You're shaking." Komento niya. "Ang lamig kaya." I answered. Kinuha niya ulit ang towel sa balikat ko.
"Harap." Utos niya. Aangal pa sana ako pero humarap nalang din kasi nilalamig na talaga ako. Ang taas ng sikat ng araw pero ang lamig ng tubig!
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na siya na ang nagpapa-tuyo ng katawan ko.
"Huy, ako na! May kamay ako!" Inagaw ko sa kanya ang towel. He chuckled, "Okay. Lutang ka masyado eh. Naiwan ba sa dagat ang utak mo?" I rolled my eyes.
"Ang corny mo."
Tinawag ulit kami ni Isabel para kumain. Sosyal, pa-buffet! Sayang, busog pa ako! Kumain kasi ako ng chocolates pagdating namin kanina kasi nasusuka ako sa byahe.
Umupo ako sa tabi ni Isabel. Tumabi rin si Asher sa kanan ko. Ang clingy!
"What do you want?" Tanong ni Asher. Umiling ako, "Busog pa ako. Kukuha lang ako ng juice." Sagot ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tumayo.

BINABASA MO ANG
Ladders Of Love
Fiksi Remaja[COMPLETED] Astrid Morales, a Civil Engineer, finds her self kissing the Head of Engineering Department, Asher Hernaez. It was just a one kiss, but it changed her life. Edited. 2020.