5 na ng hapon nang magising ako. Hindi nga ako makahinga dahil ang higpit ng yakap ni Asher sa akin! Nakatanday pa ang isa niyang paa sa akin! Ang bigat kaya niya!
"Huy, gising." I softly said. Mukhang nagising ko naman siya. "Hmm?"
"Alis na ako. Baka hinahanap na ako ni Isabel." Sagot ko at umupo ng maayos. He hugged me from behind.
"Later. I still want to sleep." Hinampas ko ang kamay niya. "Sapakin kita gusto mo? Ang layo ng dinayo natin tapos matutulog ka lang?"
He smiled. "Chill. Eto na, tatayo na." Tumayo siya at hinubad ang t-shirt niya. Umiwas agad ako ng tingin.
"Edi ikaw na may abs." I whispered to my self.
"Ha?" He raised his eyebrow.
"Hakdog." Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Kita nalang tayo sa party mamaya, okay? I still have something to do." He reminded. "Okay. See you." I smiled and went out of his room.
Pagka-pasok ko ng kwarto, isang flying unan ang bumungad sa akin.
"Aray, punyeta!" I winced. Tiningnan ko si Isabel na nakapamewang sa harap ko. Mukhang kakaligo niya lang, ah.
"Sa'n ka galing?" I scoffed. "Wow. Parang nanay ah. Kay Asher lang, Nay." Sinamaan niya ako ng tingin.
"Ang harot-harot mo, peste ka." I rolled my eyes. "Edi humarot ka rin! Duh!"
Napa-iling nalang si Lia sa amin. Lia reminded us na 6 magsta-start ang party. Nagbihis naman kami agad. I wore a white tube with a small text on the front and high-waist shorts. Nakalugay lang din ang buhok ko na kinulot ko sa may dulo. I did my makeup too.
"How's my outfit?" Tanong ni Isabel at umikot. She's wearing a green string strapped blouse and a white maxi skirt.
Nagthumbs-up kaming dalawa ni Lia. Lia's wearing a simple pink dress na may mga flower.
"Tara na." Tawag ko sa kanila at lumabas ng kwarto.
Pagdating namin sa may mini bar ng resort ay medyo madami-dami na ang mga tao. May mga guests din kasi dito.
Agad hinanap ng mata ko si Asher. My eyebrow automatically raised when I saw him talking to Zara.
I just shrugged off my thoughts. Nag-offer ang mga waiter ng alcohols pero umayaw kami dahil sinabihan kami ni Asher na huwag daw uminom. May team building bukas and ang purpose ng party nato ay i-welcome kami. Buong gabi ay nakatingin lang ako kay Asher na nakikipag-usap sa kung sinu-sino. He's the head of Engineering department kaya marami siyang kilala.
Nagtama ang paningin namin ni Asher. I waved at him. Ngumiti siya and mouthed, "Sorry. I'm busy." Tumango lang ako at nagthumbs-up, signaling him na okay lang.
Wala namang masyadong nangyari sa party kaya bumalik kami nila Isabel and Lia pagkatapos ng ilang oras dahil medyo boring na.
Last day na namin today dito sa Boracay. It's 11 in morning. Mamayang 3pm pa ang flight namin and aalis kami ng 2. For the past 3 days, nag-team building lang kami. It was fun actually. Nakakatuwa tingnan si Isabel na hirap na hirap sa pagva-volleyball. And todo support naman ako kay Asher sa basketball. Ang galing niya nga eh! Muntik na akong mapa-sigaw ng "Boyfriend ko yan" kung hindi lang talaga ako pinigilan ni Isabel.
"Babe, don't you want to take a picture?" Tanong ni Asher at winagayway ang cellphone niya. "Hmm, okay! Let's take some pictures."
Medyo nag-taka ako dahil si Asher pa nag-offer na mag-picture. Kasi diba, ang ibang boys naiinis kapag pinapakuhaan mo ng picture.
"Astrid, smile!" I heard the camera shuttered.
Kung anu-anong pose ang pinagawa sa akin ni Asher. Remembrance daw dahil baka matagal pa bago kami makabalik dito sa Boracay. Pag-tingin ko sa pictures, maganda ang pagka-kuha niya!
"Galing ko 'no?" Pagmamayabang niya. I smirked. "Syempre, maganda ang model eh." I flipped my hair. We both laughed.
"Girl, picture-an ko kayo! Dali!" Lumapit si Isabel sa amin. Inabot naman agad ni Asher ang phone niya kay Isabel.
Nilagay ni Asher ang kamay niya sa bewang ko so I did too.
"Ay, ang cute! Sana all!" Tumawa si Isabel. Sinabihan niya kami ng isa pa hanggang sa hindi na mabilang kung ilan na ang pictures namin ni Asher. Buti nga hindi nainis si Asher eh.
"Hayy. Parang kailan lang, Tri. Nung college tayo, palaging bukambibig mo si Sir Asher sa akin at sinasabi mo na gusto mong magka-picture sa kanya." Sinipa ko ang binti ni Isabel para patahimikin siya. Ang ingay! Balak niya atang i-bulgar lahat ng sekreto ko kay Asher.
"Tapang mo rin, 'no? Yung crush mo na kumuha ng pictures mo." Isabel winked at me before walking away. Napa-iling nalang ako.
"Let's go?" I nodded and sumunod kay Asher.
Magse-seven pm na nang makarating kami sa Airport. Na-delay ng ilang minuto ang flight namin eh. But it's not a big deal, though. Sunday bukas kaya makaka-pagpapahinga pa kami. Nakaka-pagod!
"Una na ako, girl." Isabel kissed my cheeks. "Ingat ha. Tanga ka pa naman." I joked.
"Hatid na kita." Asher offered. Pumayag ako dahil inaantok na talaga ako. Hindi ako naka-tulog sa eroplano kanina dahil kinakausap ako ni Isabel. Eh madaldal din ako eh.
"Bye, Asher. Ingat ka sa pag-drive ha. Text me kapag naka-uwi ka na." I reminded. Um-oo siya at nag-paalam na.
Pagod akong pumasok ng apartment ko. Agad akong naligo at nagbihis ng pajamas ko saka humiga sa kama. Hindi na ako kumain dahil hindi naman ako nagugutom.
I reached for my phone and opened my Instagram. Nagulat ako sa nakita ko. It was a picture of Asher and I. Pinost niya pala sa Instagram? Naka-tag at mention pa ako kaya ang daming nag-comment!
ashernaez: love of my life
isaaabeeel: sana all may love of my life
cartercabrera22: finally.
anon20976: lol no way.Napataas ang kilay ko dahil sa isang comment. What does he or she means by no way?
ashernaez sent you a message.
ashernaez: just got home.
ashernaez: tulog na ako babe. ikaw din. i love you.
Luh?! Babe daw, amp. Pero, ang sweet!
astridmrls: awit. Good night din.
Hayyy, I'm really sure with him na. I hope he won't break my heart.
-----
BINABASA MO ANG
Ladders Of Love
Teen Fiction[COMPLETED] Astrid Morales, a Civil Engineer, finds her self kissing the Head of Engineering Department, Asher Hernaez. It was just a one kiss, but it changed her life. Edited. 2020.