palimos ho ng commentZ hehe ; ;
------
I looked at my wall clock. Magaala-una na pala ng madaling araw? Ang sabi ko sa sarili ko na hindi ako magtatagal dun ah. Napaka-laking scam!
Hinubad ko ang heels ko at ang suot ko saka pumasok sa bathroom saka naligo. Amoy alak ako! Panigurado bukas, sasakit talaga ulo ko!
I wore my pajamas and did my skincare before I went to sleep.
Alas-nuebe na nang magising ako. Ang sakit ng ulo ko! Ayoko na talagang uminom! Next time, aayaw na talaga ako kay Isabel.
Napasampal ako sa sarili ko nang maalala ang pinaggagawa at pinagsasabi ko sa harap ni Ethan kagabi. Ano na, Astrid? Kamusta ang dignidad natin? Okay pa ba? Baka gusto nating magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan? Nakakainis! Pag tuwing lasing ako, lumalabas lahat ng kalandian ko sa katawan. Hindi kaya nainis sa akin si Ethan kagabi? Ang kulit ko pa naman. Hindi na talaga ako iinom! Promise! Itaga pa sa bato.
I prepared a toasted bread and coffee for my self. Nagugutom ako. Feeling ko, nasuka ko lahat lahat ng kinain ko kagabi! Uminom naman ako ng gamot para sa hangover pagkatapos kong kumain. Nawala rin naman yung sakit ng ulo ko kaya naisipan ko na mag-mall. Magwi-window shopping or bibili ng damit. Depende kung may magustuhan.
Naligo ako nang mabilis at nagbihis. I just wore a baby pink halter top and tucked it inside my faded blue high-waist jeans. I paired it with a white flats. Maglalakad-lakad ako mamaya kaya siguradong sasakit ang paa ko kung maghe-heels ako. Tsaka kailangan din ng pahinga ng paa ko kaka-heels. Naka-cheek tint at liptint lang din ako. Sinabit ko sa balikat ko ang light blue sling bag ko bago ko naisipang mag-picture. Mirror shot lang iyon kaya nakatakip ang mukha ko.
I posted it in my IG stories with a caption 'Rest day!'
My forehead creased when I saw Sir Asher's name on my viewers. I didn't know na naka-follow siya sa akin, ah. I clicked his profile.
12 Posts 3470 Followers 382 Following
Edi siya na maraming followers! Sana ol!
Umirap ako at lumabas ng apartment ko. Nag-grab lang din ako dahil nga wala akong sasakyan diba?
Lunch time na nang makarating ako sa mall. Medyo maraming tao dahil Sunday. Maraming gumagala. Hindi pa naman ako gutom kaya dumeretso ako sa mga boutiques.
In the end, I bought 2 tops from H&M Medyo pricey lang pero it was worth it. Maganda naman ang quality ng damit nila so wala akong reklamo.
Nagikot-ikot lang ako sa mall at napadpad ako sa Watsons. Naghanap ako ng mga lipsticks dahil trip ko lang. Wala naman akong balak bumili. Nagtitingin lang. Ang dami pa kaya ng lipsticks ko sa bahay. Hindi naman ako nagco-collect.
Umatras ako ng kaonti para tingnan ang nasa baba nang may biglang bumangga sa akin kaya napalingon ako.

BINABASA MO ANG
Ladders Of Love
Teen Fiction[COMPLETED] Astrid Morales, a Civil Engineer, finds her self kissing the Head of Engineering Department, Asher Hernaez. It was just a one kiss, but it changed her life. Edited. 2020.