Chapter Five

2K 66 0
                                    

"Wow! Pormang-porma ah!" Isabel said. I rolled my eyes and flipped my hair playfully.

"Kalma, Isabel. Ako lang 'to. Future wife ng asawa ko." Tumawa ako. Tumaas naman ang kilay niya at tumingin sa kawalan.

"Huh? Future wife ng asawa mo?" Medyo lutang niyang sabi. I bit my lip to stop my self from laughing.

"Ay boba! Syempre! Ewan ko sayo, Astrid! Kung ano-ano nalang pumapasok diyan sa isip mo." I grinned and looked at my self from the mirror. I can't deny that I look different today. But in a good way. Usually ay naka-long sleeved button down and skirt or pangs ako but today is a special day so I'm wearing a Blue two-piece suit and inside is a white tube. Naka-white heels din ako and I brought my Gucci Handbag na minsanan ko lang din ginagamit. I just want a change.

"Oo nga eh. Pero sayang, wala akong jowa. Walang makaka-appreciate ng kagandahan ko." Her jaw drop. Hinawakan niya ako sa balikat ko at inikot paharap sa kanya. She shaked my shoulders. "Tangina, seryoso?! Sa wakas, nakamove-on ka na kay Sir Asher!"

I glared at her. "Alam mo, Isabel. Eto ka." I raised my middle finger. She stuck her tongue out.

"Che! Boring na maging single 'no! Pasalamat ka kasi may jo---" She covered my mouth.

"Shh! Shut up! Hindi ko 'yun boyfriend no!" Umirap pa siya.

"In denial pa oh. Akala mo naman di ko nakita na niyakap ka niya." Tinusok-tusok ko ang bewang niya kaya hinampas niya ako sa kamay. "No way! Kadiri ka, Astrid! Tara na nga." Pikon niyang sabi.

Tumawa muna ako bago sumunod sa kanya palabas ng Restroom.

Pagdating ko sa table ko, chill lang ang lahat. Syempre, may meeting kasi kaya wala masyadong ginagawa. About sa team building namin. Pag-uusapan mamaya ang venue and other things.

Mabilis lumipas ang oras, natapos na ang meeting namin. Sa Boracay daw gaganapin ang team building. Ang layo nga pero g ako 'no! Nakaka-excite! Ang tagal-tagal na since naka-punta ako ng beach. Busy kaya ako sa pag-trabaho at wala akong kasama kasi si Isabel, may sarili naman siyang buhay. Sila Mama at Kuya, may mga trabaho rin naman sila. Tapos, first time ko rin makaka-punta sa Boracay. Wala akong masyadong swimsuit! Next week na daw. Tapos 5 days kami doon.

"Girl! Mall tayo mamaya." Aya ko. Her face lit up. "Sure!"

"Bili tayo ng swimsuits! I'm so excited!" Tumango siya at bumalik sa table niya dahil dumaan si Sir Asher. Tumitig pa nga sa akin eh. Crush talaga ako nun!

"Huy, tara na." Hinila ko si Isabel. Hinila niya din ako kaya napatigil ako.

"Teka nga kasi! May inaantay ako." My eyebrows furrowed. May inimbita pala siyang iba! Di niya sinabi sa akin!

"Huh? Sino?" I asked.

"Me." Nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang boses. Dahan-dahan akong humarap at napa-pikit ako ng mariin ng makita kung sino iyon.

"Sir Asher!" Isabel smiled. Sinamaan ko siya ng tingin pero nag-kibit balikat lang siya. Ang sama!

"Huy, ba't kasama siya?" Bulong ko kay Isabel. She grinned.

"Bakit, ayaw mo?" Sinamaan ko siya ng tingin. "I invited him!" Dagdag niya.

"Why?" Frustrated kong sabi. "Why not? Kaibigan ko naman si Sir Asher ah! Friends naman kami nung college."

"Friends my ass." I rolled my eyes.

"Kalma ka nga! Ba't ba ayaw mo? May feelings ka pa sa kanya 'no?" Agad akong umiling.

"Wala! Kaya tara na!" Nauna akong naglakad sa kanila.

Narinig kong nag-usap si Isabel at si Sir Asher but I ignored it.

Ladders Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon