Modyul 7: Emosyon
Scheler (Dy, 2007): "Ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao.
Ang damdamin o emosyon ay ang kagyat na reaksyon ng tao. Hindi ito basta-bastang nakokontrol.
Mayroong apat na uri ng damdamin:
1. Pandama (Sensory Feelings)
-tumutukoy sa limang pisikal o panlabas na pandama. Halimbawa nito ang pagkagutom, pagkauhaw, panlasa, at sakit.
2. Kalagayan ng damdamin (Feelings State)
-may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao. Halimbawa na ang katamlayan at kawalan ng gana.
3. Sikikong damdamin (Psychical Feelings)
- Ito ang pagtugon ng tao. Halimbawa ang sobrang tuwa at poot.
4. Ispiritwal na damdamin (Spiritual Feelings)
-nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
Talaan ng mga pangunahing emosyon ni Esther Esteban:
Kaliwang hanay:
Pagmamahal (love)
Paghahangad (desire)
Pagkatuwa (joy)
Pag-asa (hope)
Pagiging matatag (courage)Kanang hanay:
Pagkamuhi (hatred)
Pag-iwas (aversion)
Pagdadalamhati (sorrow)
Kawalan ng pag-asa(despair)
Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)Sto. Tomas de Aquino: "Ang matalinong paghuhusga ay hindi lamang tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng tao sa pagharap sa mga krisis sa buhay, kung hindi kakayahang makagawa ng pasiya sa napapanahong paraan."
Ayon kay Feldman, sa pamamagitan ng emosyon ay:
a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng katuturan sa kanyang isip.
b. Nakatutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang damdamin.
c. Nagagamit ang pakikipagkomuniskasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ang katatagan ng loob ay nagbibigay ng kakayahan sa tao na lampasan ang kahirapan at labanan ang tukso.
Seeburger, F. (1997): "Ang literasiyang damdamin ay tumutukoy sa dalawang bagay. Una, ang kakayahang alamin at unawain ang mga sariling emosyon; at pangalawa, matukoy at maramdaman ang damdamin na angkop o akma lamang sa sitwasyon na kinahaharap."
Nakita nila Salovey, Gardner, at Goleman ang kahalagahan ng pamamahala sa emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa. Kapag ito ay napagtagumpayan, mataas ang EQ o Emotional Quotient na kilala rin bilang Emotional Intelligence.
Limang pangunahing elemento ng EQ (Goleman, D., 1998):
1. Pagkilala sa sariling emosyon.
2. Pamamahala sa sariling emosyon.
3. Motibasyon.
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba.
5. Pamamahala ng ugnayan.
Modyul 8: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod
John Maxwell: "Ang pamumuno o ang pagiging lider ay pagkakaroon ng impluwensiya."
Tatlong uri ng pamumuno ni Dr. Eduardo Morato:
1. Pamumunong Inspirasyonal
Nagbibigay ng inspirasyon at direksiyon ang lider. Modelo at halimbawa siya ng mabubuting pagpapahalaga.
2. Pamumunong Transpormasyonal
Ang tuon ay ang pagkakaroon ng pagbabago. May kakayahan siyang gawing kalakasan ang kahinaan at magamit ang mga karanasan upang makamit ang mithiin ng pangkat.
3. Pamumunong Adaptibo
May mataas na antas ng pagkilala sa sarili (self-awareness) at at kakayahang pamahalaan ang sarili (self-mastery) ang lider. Mayroon siyang mataas na EQ.
Mayroon silang apat na katangian:
1. Kakayahang pamahalaan ang sarili (self-mastery o self-adaption)
2. Kakayahang makibagay sa sitwasyon
3. Kakayahang makibagay sa personalidad
4. Kakayahang makibagay sa mga tao
Mga Prinsipyo ng Pamumuno:
1. Maging sapat ang kaalaman at kasanayan.
2. Kilalanin at ipagpatuloy ang pagpapaunlad sa sarili.
3. Maging mabuting halimbawa.
4. Tanggapin at gampanan ang tungkulin.
5. Kilalanin ang mga taga-sunod at kasapi ng pangkat, pangalagaan, at ipaglaban ang kanilang kapakanan.
6. Ilahad ang layunin at direksiyong tatahakin sa pagkamit ng layunin.
7. Kilalanin at paunlarin ang potensiyal ng bawat kasapi na maging lider.
8. Gumawa ng mga pagpapasiyang makatwiran at napapanahon.
9. Turuan ang mga tagasunod ng paggawa nang sama-sama at magbigay ng mga pagkakataon upang subukin ang kanilang kakayahan.
10. Magbigay ng nararapat na impormasyon sa mga kasapi ng pangkat.
Tagasunod:
Kelly, 1992: "Hindi ka magiging lider kung wala kang tagasunod."
Bakit sumusunod ang mga tagasunod sa lider?
-Takot sa awtoridad
-Lubos na tiwala
-Pagsang-ayon sa mga pananaw at ipinaglalaban ng lider
-Uto-uto
-Tinatanggap na pakinabangMga tungkulin ng tagasunod:
1. Gumawa ng aksiyon.
2. Gumawa ng aktibong pagpapasiya.
3. Magpakita ng interes at katalinuhan sa paggawa.
4. Maaasahan.
5. Kinikilala ang awtoridad ng lider.
Mga Kasanayan:
1. Kakayahan sa trabaho (job skills)
2. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
3. Mga pagpapahalaga (values component)
~~~
Good luck sa exams. God bless!
xx
BINABASA MO ANG
School Reviewers
RandomA compilation of Reviewers made by the students of Grade 8-Mendel S.Y. 2017-2018.