G8 - Araling Panlipunan

3.7K 22 6
                                    

Aralin 1: Ang Unang Digmaang Pandaigdig

Pagkakampihan ng mga bansa: Alyansa

Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe: Militarismo

Paghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa: Imperyalismo

Pagmamahal sa bayan: Nasyonalismo

Bansang kaalyado ng France at Russia: Great Britain

Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig: League of Nations

Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig: Versailles

Ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig: Europe

Siya ang lumagda sa Proclamation of Neutrality: Woodrow Wilson

Alyansang binubuo ng Austria, Hungary, at Germany: Triple Alliance

Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig:

1. Nasyonalismo

Nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa.

Mga Halimbawa:

Ang mga Junker, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe.

Ninanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria.

Nakialam ang mga Ruso sa Balkan dahil sa mga estado dito na Greek Orthodox ang relihiyon at tulad sa Ruso ang pananalita.

Nais angkinin ng Italy ang Trent at Triste na sakop din ng Austria.

Nais ng France na mabawi ang Alsace-Lorraine na inangkin naman ng Germany kaya't itinuring nilang kaaway ang mga Aleman.

2. Imperyalismo

Isang paraan ng pang-aangkin ng nga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng mga bansang Europe. Lumikha ito ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa.

Mga Halimbawa:

Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika dahil balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng riles mula Cape Colony hanggang Cairo.

Tinangkang hadlangan ng Germany ang pagtatag ng French Protectorate sa Morocco dahil sa inggit nito sa tagumpay ng France sa North Africa.

Nabahala ang England sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad Railway dahil panganib ito sa kanyang lifeline patungong India.

atbp jusq ㅋㅋ

3. Militarismo

Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang mga hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, ganyundin ang pagpaparami ng armas.
Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa.

School Reviewers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon