G8: Araling Panlipunan

749 9 2
                                    

(pt 2 lol)

-SPARTA-

-Ang polis ng Sparta ay itinatag ng Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Hindi ito umaasa sa kalakalan.

-Ito'y may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa.

-Ang mga magsasaka mula sa mga nasakop na lugar ay dinala sa Sparta upang maging mga Helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan.

-Pangunahing Mithiin ng Sparta: Magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan.

-Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri.

Kapag nakitang mahina at sakitin ang sanggol, dadalhin ito sa paanan ng bundok at hahayaang mamatay. Ang mga malulusog ay hinahayaang lumaki at maglaro hanggang sa kanilang ikapitong taon. Pagsapit ng pitong taon, dinadala ang mga lalaki sa kampo-militar. Sa ika-20 taon, sila'y magiging mga sundalong mamamayan. Sa edad na 30, sila'y inaasahang mag-asawa at sa edad na 60, maaari na silang magretiro sa hukbo.

-Ang kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan.

-Ang Sparta ay responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Phalanx ang tawag sa hukbong nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, panggalang sa kaliwang kamay at espada sa kanan. Mayroon itong 16 na hanay. Sila'y hindi mga bayarang mandirigma.

-Militarismo.

-ATHENS-

-Ang Athens ay isang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Hindi angkop sa pagsasaka ang relihiyon kaya pagmimina, pangangalakal, at paggawa ng ceramics ang kanilang hanapbuhay.

-Pinamumunuan ng mga Tyrant na mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. May ilang umabuso sa kapangyarihan.

-Ang pinakahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya.

***

-Mga Pinuno:

>Draco

-isang tagapagbatas na nagbigay ng pagkakapantay-pantay sa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namununo.

>Solon

-Nagmula sa mga aristokrata na yumaman thru kalakalan.
-Inalis ang nga pagkakautang ng mahirap at ginawang ilegal ang pagkakaalipin dahil sa utang.
-Gumawa ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte.

>Pisistratus

-Bagamat mayaman, nakuha niya ang suporta at tiwala ng mga karaniwang tao.
-Mas radikal💕 ang mga ipinatupad tulad ng pamamahagi ng malaking lupang sakahan sa mga magsasakang walang lupa.
-Nagbigay ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malaking proyektong pampubliko.
-Pinagbuti ang sistemang patubig.

>Cleisthenes

-Bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens.
Ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayokna tinatawag na Ostrakon. Ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa tao ay tinatawag na ostracism.
-Nagkaroon ng pagkakataong makaboto sa Asembleya ang mga mamamayan- may lupa man o wala.

~***~

-BANTA NG PERSIA-

-Sinalakay ni (Jake) Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. (546 BCE)

-Digmaang Graeco-Persia-

-Ang unang pagsalakay ng Persia ay noong 490 BCE sa pamumuno ni Darius. Natalo ang Persia.

-Ang  Thermopylae ay isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. Dito naglaban ang puwersa ni Xerxes (anak ni Darius) at Leonidas. Mananalo na sana ang Greece nang ipinagkanulo ng isang Greek ang daanan tungo sa kanilang kampo. Dahil dito, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas.

-Dinala ni Themistocles ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis na may makipot na dagat. Lumubog ang mga plota ng Persia.

-Kabilang sa alyansa ng Greece ang Athens, Sparta, Corinth, at Megara. Pinamunuan ito ni Pausanias.

-Digmaang Peloponnesian-

-Labanan ng Delian League at Peloponnesian League.

-Namatay si Pericles, pinuno sa Athens, dahil sa isang sakit na pumatay sa libo-libong tao.

-Hindi nagtagumpay ang mga pumalit kay Pericles. Kasama na dito si Alcibiades na nagpalipat-lipat ng panig.

-Tumagal ng 27 taon.

~~~~~

xx

School Reviewers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon