G8 - Filipino

441 5 0
                                    

By: DanielleBihasa

Talambuhay ni Fransico "Balagtas" Baltazar

- isinilang noong Abril 2, 1788
- Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulacan
- Juan Baltazar (ama) Nagpapanday
- Juana Dela Cruz (ina) may bahay
- Felipe, Concha, Nicolasa at Kiko (kapatid)

- naging utusan ng kamag-anak na mayaman upang lumuwas ng maynila upang mag-aral
- ipinagaral siya sa Colegio de San Jose dahil nagustuhan ang kanyang paglilingkod
- natutunan niya ang Gramatika, Latin at Espanol, Pisika, Heograpiya at Doctrina Cristiana.
- 1812, ipinagpatuloy niya ang pag aaral sa Colegio de San Juan Letran
- natapos niya ang karunungang teolohiya, pilosopiya, at humanidades
- naging guro niya si Padre Mariano Pilapil (akda ng Pasyong Mahal)

- Sa Tondo, nakilala si Magdalena Ana Ramos
- Sa Pandacan, nakilala si Maria Asuncion Rivera (Selya)
- naging karibal niya sa pag-ibig kay M.A.R. si Mariano Kapule
- pinakulong si Francisco ni Mariano Kapule dahil mayaman ito
- sa bilangguan niya isinulat ang Florante at Laura at inihahandog ito para kay Selya

- 1838 ay nakalabas na siya sa bilangguan at lumipat upang hindi na maalala muli si Selya

- Sa Udyong, Bataan ay nakilala niya si Juana Tiambeng  (anak mayaman)
- Nagkaroon sila ng 11 na supling (5 lalaki at 6 na babae pero 7 doon ay namatay at sa apat na nabuhay na anak isa lang ang namana ni Fransisco)

- Ikinulong ulit si Franciso sa kadahilanang pag putol sa buhok ng katulong ni Alfarez Lucas
- napiit siya sa Bataan at inilipat sa piitan ng Maynila
- Nang makalaya, bumalik siya sa Udyong at nag sulat ng iba't ibang awit, komedya atbp.
- Noong Pebrero 20, 1862 ay namatay si Franciso sa edad na 74 taong gulang.

Buod ng Florante At Laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante.  Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.

Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

Mga Karakter Sa F at L

Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo

Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante

Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persiya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante

Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab

Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura

Sultan Ali-Adab - sultan ng Persiya, ama ni Aladin

Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona

Duke Briseo - ama ni Florante; Tagapagpayo ni Haring Linceo

Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante

Konde Sileno - ama ni Adolfo

Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre

Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.

Antenor - guro ni Florante sa Atenas

Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura

Heneral Osmalik - heneral ng Persiya na lumaban sa Krotona

Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya

Katangian ng Awit

- may 12 na sukat
- binabasa ng malumanay

xx

School Reviewers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon